My Lost Diary

126 8 2
                                    

My Lost Diary
.
.

.

Entry 1

Dear diary,

Hanggang ngayon, wala pa rin. Hindi pa rin ako ipinagmamalaki ng pamilya ko. Ginawa ko naman ang lahat, hindi ba? Ehh bakit ganon? Mas napansin pa nila ang pinsan ko na top 3. Top 1 ako, for goodness sake! Nawawalan na tuloy ako ng gana.

Love,
Zhaira

.
.
Entry 2

Dear diary,

Pati ba naman ang lalaking gusto ko, yung pinsan ko pa rin ang napapansin? Alam kong palakaibigan siya, but look at me, alam ko ang lahat at magaling ako sa halos lahat. I'm even a badminton player. Diary, siguro naman, akin ka na, hindi ka na naman niya maaagaw sakin, diba?

Love,
Zhaira

.
.
Entry 3

Dear diary,

Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako napapansin. Ano bang klaseng buhay toh? Wala na nga akong masyadong kaibigan ehh. Ikaw nalang talaga ang nasa akin, Diary.

Love,
Zhaira

.
.
Entry 4

Dear diary,

May bagong lipat sa amin na naging kaibigan ng lalaking gusto ko na si Jake. Ang pangalan niya ay Luke Alcantara. Naging heartthrob nga agad siya ehh. Hindi ko maitatangging gwapo sya pero mas gwapo si Jake, hehe.

Love,
Zhaira

.
.
Entry 5

Dear diary,

Hanggang ngayon, guess what? Wala pa rin... hindi pa rin ako pinapansin ni Jake. Magkaklase lang naman kami pero ni minsan ay hindi sya tumingin sa direksyon ko. Ewan ko nga e, pero parang mismong si tadhana na ang naglalayo sa aming dalawa. Kahit sa group activities, hindi man lang kami nagiging magka group. Look how unfair life is.

Love,
Zhaira

.
.
Entry 6

Dear diary,

Nagkausap kami ni Nikki, yung pinsan ko, kanina. Malapit kami sa isa't isa. Kahit na lagi syang naikukumpara sa akin, at least, kaibigan ko siya. Nakwento niya sa akin na may gusto raw sya don sa kay Simon. Si Simon ay kapatid ni Jake. Naku, malaking gulo yun kasi ang alam ko, may gusto si Jake sa pinsan ko.

Love,
Zhaira

.
.
Entry 7

Dear diary,

Nagkatuluyan na sina Simon at si Nikki. Kaya dahil doon, maraming pinaglaruan na babae si Jake. Marahil ay nasaktan siya ng sobra sa nalaman.

Love,
Zhaira

.
.
Entry 8

Dear diary,

Masakit. Definition na siguro yun sa mga nakikita ko araw-araw. Paiba-iba kasi siya ng babaeng kasama. Masaklap pa ito kaysa noong nalaman kong si Nikki ang gusto ni Jake.

Love,
Zhaira

.
.
Entry 9

Dear diary,

My Lost DiaryWhere stories live. Discover now