chapter 2- New Classmate-

2.6K 34 3
                                    

Pagkapasok ni Lyka sa classroom ay nagulat pa siya dahil wala pa ata ang adviser nilang masungit.si Mrs. Ramos.kaya naman nagkakagulo pa ang mga kaklase niyang parang mga bata kahit graduating na.

"Aba! Pag sinuswerte ka nga naman.late na nga ako pero mas late parin si ma'am Ramos.Pinagpala ka talaga Lyka."
Bulong niya sa sarili.

Maya maya ay nagsiupuan na ang kanyang mga kaklase sa kanya kanyang upuan.marahil ay parating na si Mrs. Ramos .ayon nga at di siya nagkakamali.nakangiti itong pumasok sa kanilang classroom,kasunod nito ay isang pamilyar na nilalang.

"Ay hindi,hindi lang basta nilalang. Kundi isang anghel,si Carl"
Natutop ni Lyka ang kanyang bibig sa pagkakabigkas niya sa salitang anghel na ikinalingon ng kanyang mga kaklase.tila narinig ata ng mga ito ang sinabi niyang anghel.

"Ah,, si Mrs. Ramos ang tinutukoy ko.mukha pala siyang anghel pag nakangiti.mas bagay sa kanya kesa magsungit" paliwanag ni Lyka.

"Good morning class" ani Mrs. Ramos sa kanila.

"This is Carl,your new classmate.transferee siya from manila at dahil andito Na ang business ng family niya,kaya dito na siya mag-aaral."

Nagbulong bulungan ang mga estudyante na tila ba natutuwa lalo na ang mga kababaihan.e sino ba namang di matutuwa kung si Carl ang magiging kaklase.bukod sa maputi,matangkad,makinis at higit sa lahat mayaman.si Carl nga ang tinutukoy niyang "ideal guy" sa pangarap.andito nasa harapan niya.

Si Carl naman ay nanatiling nakatayo at nakangiti,habang nakatingin kay Lyka.

Naalarma naman si Lyka ng mapansing nakatingin nga sa kanya si Carl.kaya nagbawi siya bigla ng tingin dito.

"Carl, please introduce yourself." Ani Mrs. Ramos na agad namang sinunod ni Carl.

"Good morning everyone,I am Carlos Perez,but you can call me Carl.I am 16 years old and from Manila" maiksing wika ni Carl sa kanila habang nakangiti.

"Infairnes,mukhang mabait at nakaka-inspire talaga ang mga ngiti nya.sabagay kahit di na ngumiti nakaka-inspired parin ang kaguwapohan niya." Bulong ni Lyka sa sarili.

Nanauli lang ulit ang diwa ni Lyka ng magsalita muli si Mrs. Ramos

"Ok Carl,you may now take your seat.dun kana sa bandang likuran maupo at may bakante"wika ng kanilang guro na agad namang sinunod ni Carl.

Bagamat sa gilid naka upo si Lyka ay tiyak niya na madadaanan siya ni Carl papunta sa bakanteng upuan sa may likod niya.

Eto na nga at papalapit na si Carl patungo sa gawi niya at higit niyang ikinagulat ng bigyan siya nito ng napakatamis na ngiti.

"Im glad at magkaklase pala tayo Lyka.buti nalang ikaw ang napagtanungan ko kanina atlis may kakilala na agad ako sa mga bago kong kaklase."
Wika ni Carl habang di parin napapawi ang mga ngiti na siyang naging dahilan upang mamula ang pisngi ni Lyka.

"Magkakilala na kayo?" Sabad ni Jennifer sa may katabing upuan ni Lyka na isa rin sa kanyang mabait na kaibigan.
Samantalang nabigla naman siya sa tinuran ng kaibigan.

"Ah ..oo ka..kanina lang.." Nauutal niyang sagot.

"Nagtanong kase siya sa akin kung pano pumunta dito sa school.di kase nila kabisado ng driver nila." Paliwanag niya sa kaibigan na tila ba takang taka sa kanila.

"Yeah that's right.kaya sabay na kaming pumasok kanina" ani Carl

"You mean,sumabay ka sa sasakyan nila Lyka?" Di makapaniwalang tanong ng kaibigan

"Ah... Uh... O..oo.pinasabay na niya ako kanina,sakto kaseng wala rin akong masakyan at nag aalala ako na baka ma late kaya kinapalan ko na ang mukha ko kay Carl." Nahihiyang paliwanag nya sa kaibigan.

"Actually, ako ang humingi sayo ng pabor kaya walang problema yun sakin.kahit pa araw-araw kang sumabay Lyka okay lang tutal isa lang ang way natin."

"Ehem?" Tikhim ni Mrs. Ramos na ikinahinto ng pag -uusap ng tatlo.

"You may take your seat Carl,so that we can now start our lesson". Utos ng guro at agad namang sinunod ni Carl.habang si Lyka ay naiwang namumula sa hiya.

Ewan kung saan ba galing ang pamumula ng pisngi niya.sa hiya kay Mrs. Ramos dahil dinaldal nila si Carl at nalamang magkakilala na pala sila,o sa sinabi ni Carl na kahit sumabay siya araw araw ay okay lang.

Matatapos na sa discussion si Mrs. Ramos ngunit pawang walang naipasok sa kukote si Lyka.E pano ba naman kase,itong si Carl na nakaupo sa likod ,sa tuwing lilingunin niya ay nakatingin din at nakangiti pa sa kanya.

"Oh Lord,kunin niyo na ako"

Di Kita Gusto Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon