Naalimpungatan ako ng may kumatok. Napamulat ako ng mata at lumingon sa kumakatok. Kailan pa naging salamin ang pinto ng kwarto ko?
Napalingon ako sa likod ko. Nasa kotse pa pala ako at si Andrew ang kumakatok sa bintana ng kotse kaya binuksan ko ang pinto at lumabas na.
"Anong ginagawa mo dito?" ngumiti siya at inilagay ang kamay sa bulsa.
"Ikaw anong ginagawa mo sa kotse mo? Kailan ka pa natutong matulog sa kotse mo? Hanep pare halos kalahating oras na akong naghahanap sayo at halos lahat ata ng tauhan dito sa condo natanong ko na kung nakita nila. Eh pano ka naman pala kasi nila makikita eh nandito ka. Hindi ka naman siguro nagtitipid di ba kasi ikaw ang may.ari ng building na to kaya hindi mo kailangan magtiyaga dito unless may hinihintay kang tumawag sayo."
"Tapos ka na magsalita? May sasabihin ka pa?"
"Wala na. Ah meron pa pala. Di ko kasi makuha yung susi ng unit ko. Nawawala eh. Pacheck nga ng gamit mo. Baka nadala mo kanina." kinapa ko ang bulsa ko para icheck kung nasa sakin nga yung susi pero sakto namang may nagtext sakin kaya binasa ki kaagad ito.
Si Jake. Pinapasundo niya sakin si Lory.
"Sino naman yan at abot langit ang ngiti mo?"
"Ito oh. Sa unit ko ka na muna tumuloy." binigay ko sa kanya ang susi ng unit ko at mabilis akong sumakay sa kotse ko para sunduin si Lory.
"Uy teka lang. Saan ka pupunta?"
pinaatras ko ang kotse ko at mabilis na pinaandar ang kotse ko.***********
Natatanaw ko na ang kotse ni Jake at ng malapit na ako nakita ko siyang tumayo at hinihintay akong makalapit. Naagaw naman ng head light ko ang pansin ni Lory na lumingon sa direksyon ko.
"Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Lory ng makalapit na ako sa kanya.
"Ano sa tingin mo? Huwag kang magassume na gusto kong pumunta dito kung hindi lang dahil kay Jake hindi ko sasayangin ang oras ko na pumunta dito."
"Aba!"
Bakit parang ang lakas ng loob niyang magalit sakin? Ako na nga tong nakatulog sa kotse ko at naghihintay na tawagan ni Jake para makasama siya tapos siya pa ang may gana magtanong kung bakit ako nandito? Ano to tapakan ng pride?
"That's enough." saway samin ni Jake. "Lory I called him to be with you tonight dahil may aayusin ako ngayon at kailangan ko ng umalis and you." turo sakin ni Jake. "Be good to her."
"Depende yan sa kanya kung hindi siya tupakin."
"Watch your word. I'm still your boss."
"Wala tayo sa opisina mo kaya walang empleyado at boss dito."
"Naku! Ganito na lang. Iuuwi na kita Lory sa inyo at ikaw Xander.." binulong niya na lang sakin ang gusto niyang sabihin. "Gusto mo namang makasama si Lory di ba? Pagkakataon mo na ito so be cool." umayos na siya ng tayo.
"Kailangan ba talagang ibulong? Ano yung sinabi mo? Saan ka ba kasi pupunta?"
"Magpapakatino. Halika na. Ihahatid na kita sainyo."
"Payag na ako." ano? uuwi na siya? Anong silbi ng pagpunta ko dito kung hindi ko naman siya makakausap? Wala na! "Payag na ako na magpakabait. Pasalamat ka Xander ayoko pang umuwi." Salamat naman.
"Good. So ano? Maiwan ko na kayo." Hindi umimik si Lory at ako naman tumango lang. pumasok na si Jake at umalis na rin kaya kami na lang dalawa ang naiwan. Tiningnan ko si Lory at inirapan niya lang ako. Mga babae talaga ang hirap intindihin. Bumalik siya sa pagkakaupo kaya naupo na rin ako sa harap ng mga pagkain.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
RomanceI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...