Another Fear Begins

3.9K 122 150
                                    

Another Fear Begins

~A glimpse to Book II, “Zypher and Gangsters”…



✙ (  ̄ー ̄)φ__ ✙

“Ree anuba! Bakit antagal!” Sigaw ni Nemsey habang nakaupo sa sofa. Nakapatong pa ang mga paa niya sa center table habang nanonood siya ng pelikula.

“Nandyan na, wifey!” Balik-sigaw ni Ree sabay takbo palapit sa kanya.

Agad itong umupo sa tabi niya at iniabot nito sa kanya ang isang bowl ng cream cheese.

“Ayaaan!” tuwang-tuwa niyang kinuha yung bowl at pinapak niya yung cream cheese.

“Hindi ka ba nauumay? Tataba ka lalo niyan eh.”

“HINDI AKO TATABA!” Bigla niyang sigaw. “HINDI NGA AKO TATABA! HINDI!”

“Okay, hindi na.” Sanay na si Ree sa inaasal niya. “Binibiro lang kita eh.” Paglalambing pa nito.

“Huwag mo’kong inisin!”

“Oo na nga. Sorry na.” Marahan siya nitong niyakap nang patagilid.

Siya naman patuloy pa rin sa pagkain ng cream cheese nang hindi man lang nakakaramdam ng pagkaumay.

“Hello, baby.” Hinipo ni Ree ang tiyan niyang namimilog na sa laki. “Kumusta ka na diyan? Kailan ka lalabas?”

“Wag mong i-encourage anak natin! Mamaya lumabas bigla yan!”

“Lalabas talaga yan kapag nagpatuloy ka sa pagsisigaw.”

“Ikaw na lang kaya magbuntis?! Makapagsalita ka diyan!”

“Sorry na, love.” Ngumiti na lang si Ree at hinalikan niya ang mga labi ni Nemsey. Mabilis lang pero puno ng pagmamahal. “I love you.”

“I love you too!” At ibinigay nito ang bowl sa kanya. “Ikuha mo pa’ko ng cream cheese, baby boy!”

Natawa na lang si Ree at napailing. Malapit nang matapos ang pagtitiis niya sa pagkamoody ni Nemsey. Hindi naman kasi talaga moody ang asawa niya noong hindi pa ito nagbubuntis. Hindi naman siya naiinis sa inaasta nito. Nasanay na din siya.

“Hinihintay ka na namin, baby.” Nakangiti niyang bulong sa sarili niya habang naglalakad patungong fridge para kumuha ng ulit ng cream cheese.


#NEMREE

#NEMREE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.























***************
“Kailan ba tayo bibisita kina Xenzel, babe?” Tanong ni Tetra kay Vain.

“Sa Thursday, babe. Excited ka na ba talaga?” Natatawa nitong sagot sa kanya.

“Medyo. Matagal din kasi tayong hindi nakapunta sa kanila.”

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon