Buong buhay ko,
Lagi akong galit sa kapatid ko,
Pagka't lagi nyang inaagaw ang atensyon ng lahat,
Ang oràs ng lahat na saakin dapat.Pero,
Ako'y nagkamali,
Nang malaman ko,
Na sya'y may sakit.Sakit na walang lunas,
Sakit na hindi mapaliwanag,
Sakit na alam kong nahihirapan na sya.
Sakit na ako pa ang dumagdag.Kaya pa ba?
Kaya ko pa ba na makabawi sakanya?
Mapapatawad ba nya ako?
Sana. Sana mapatawad nya ako.Patawad aking kapatid,
Patawad.
Patawad dahil ako'y nagkulang,
Nagkulang na maging ate saiyo.Dapat ako ang naghihirap,
Pagkat ika'y bata pa at marami pa ang iyong pangarap.
Hindi tulad ko, na hindi alam ang patutunguhan.
Hindi alam kung saan pupunta kapag ika'y lumisan.Sana gumaling ka,
Pagkat hindi ko kaya,
Kapag ika'y nawala pa.
Kapag ika'y tuluyan ng namayapa.
BINABASA MO ANG
Constelasyon ng isipan
PoetryLaman ng aming isipan, Aming bibigyang laman. Mga emosyong hindi napahalagahan Aming gagawan, isang tula ng nasaktan