yakap ng dilim

56 0 0
                                    

mga matang namumula,
mga luhang nabalewala,
mga kamay na naparalisa,
dahil sayo to aking sinta,

mga salitang iyong binitawan,
inilabas ng hindi pinagisipan,
di inisip kung sino ang nasaktan,
ngayon ikaw ay aking kailangan

pero aking pag lapit,
iyong paglayo ng pilit,
bawat hakbang masakit
paglayo mo nakapait

tatanggapin ko nalang ba?
o ipagpipilitan pa?
muhkang gusto ko pa ata,
pero sobrang sakit na

ayaw ko man tong gawin,
pero aking sisiguraduhin,
magdadasal na lamang ng taimtim,
habang yakap ako ng dilim

MGA SARILING GAWANG TULAWhere stories live. Discover now