Chapy 32: Drained

28 2 0
                                    

(((Keira's POV)))

"Kei, tara na" tawag ni Charms sakin habang nakasilip sa pinto ko.

"Ayoko na munang pumasok" mahina kong sabi saka bumalik sa kama ko at muling nahiga.

"Friend, don't tell me magpapa-apekto ka sa dalawang yun, hindi ikaw yan, hindi ganyan ang Keira na kilala namin" she said habang nakahawak sa braso ko. Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Ken.

"Charms, Kei, mali-late na tayo, let's......... Kei bakit hindi ka pa bihis?" tanong niya, for sure nainip na sya, kanina pa kasi sya naghihintay sa baba.

"Hindi ako papasok, you go girls, gusto ko muna magpahinga" sabi ko habang tinutulak tulak pa si Charms na ayaw umalis sa tabi ko.

"You sure you'll be fine?" tanong nya, alam kong ayaw nyang ipahalata na nag-aalala sya pero hindi sya magaling na artista kagaya ko.

Tumango ako at pilit ngumiti "Oo naman, go na" sabi ko na lang.

Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim nang maisara na nila yung pinto.

"Leche, bakit ba kasi ako apektadong apektado kay Clark!? kung tutuusin naman wala naman kaming naging relasyon! Bakit ba ko nasasaktan at nagmumukmok dito?" tanong ko sa isip ko, pero walang hiya lang talaga tong utak ko, sukat sagutin ba naman lahat ng tanong ko!

"Kasi nga lahat ng pinakita nya binigyan mo ng meaning, lahat ng sinasabi nya pinaniniwalaan mo, at masyado mo syang pinagtuunan ng pansin, hindi mo akalain na lahat pala ng yun, fake, puro kasinungalingan at puro pagpapanggap!"

Letsugas, san ba pwede magpapalit ng utak, nakakainis naman, eh!

"Bakit ba kasi ang tanga tanga mo Keira! sabi nga nila isa kang dakilang PAASA, eh, bakit hindi mo nahalata na pinapaasa ka na pala!?" umiiyak kong tanong habang pinapalo palo ko ang sarili kong ulo.

Gusto kong matulog, pero sa tuwing pipikit ako naaalala ko lahat ng mga pangyayare, mula ng una kaming magka-usap, hanggang sa huli rin naming pagkikita!

"PUNYEMAS naman talaga oh, ayoko magkabukol kaya ayokong i-untog ang ulo ko para makatulog, pero gustong gusto ko nang matulog!"

Ginawa ko na lahat ng style ng higa, nagpatugtog pa ako ng mga pampa-antok pero walang epekto!

Nagbihis ako at pumunta sa grocery para bumili ng pagkain, dahil stressed ako, kakain ako! Pero habang naglalakad ako papunta sa bilihan ng soft drinks nahagip ng mata ko ang lugar kung saan naka display ang mga alak, kumuha ako ng isang Black Label, Canadian Club at Baileys.

Umuwi ako at agad na tinago ang alak na binili ko sa ilalim ng kama ko, bawal ang magtambak ng alcoholic drinks dito sa bahay kahit na sabihin pang umiinom naman kaming tatlo, kasi for sure sasabunin ako nung dalawa pag nakita nila to.

Dahil mag-isa lang ako, walang kasama at walang nagawa, iinom na lang ako.

Binuksan ko yung Baileys ko at nagsalin ng puno sa shot glass na kinuha ko, pulutan ko ang mga chichiryang binili ko.

Tanghaleng tapat umiinom ako, at hindi lang yun, ako lang mag-isa, ang saya lang, kakwentuhan ko sarili ko!

(((Kendra's POV)))

Kanina dalawa kami ni Charms pumasok, ngayon ako na lang mag-isa ang uuwi, nakakainis naman!

Pasado alas singko na nang matapos ang klase namin, dumaan muna ako sa drive thru ng isang fast food chain para hindi na ako magluluto, binilhan ko na rin si Kei. Si Charms for sure busog na yun pag-uwi, hindi naman kasi kuripot yung prof na nagpatulong sa kanya, kaya for sure ililibre na nun si Charms.

Pagdating ko sa bahay, bukas ang pinto, ang daming chichiryang nagkalat sa center table dito sa sala, may mga piraso pa ng chips ang nalaglag sa sahig, meron pang tulo ng hindi ko alam kung soft drinks ba o coffe o ano, at may bote pa ng Baileys sa gilid ng sofa. Napahawak na lang ako sa ulo ko, nilapag ang bitbit kong pagkain at bag sa sofa na may mga balat rin ng chichirya!

"Leche ka Keira, pasalamat ka may pinagdadaanan ka kaya iintindihin kita!" reklamo ko habang nilalagay yung mga kalat sa trash bin na punong puno na.

Pagpasok ko naman sa kitchen,

"Jusko! anong bagyo ba ang dumaan dito?!" tanong ko, para akong pumasok sa jungle bigla, eh! nagkalat lahat ng utensils at seasonings sa lababo at sa may stove.

"Oh my Lord" mahinang sabi ng babaeng kadarating lang mula sa likod ko, "Anong nangyare dito?" she asked saka na ko tinulungan magtapon ng mga kalat,

"Ewan, may bagyo yatang dumating at dito lang sa bahay nagpalipas ng oras" nahina pero inis kong sagot.

"Chill Ken, chill" pagpapakalma nya sakin.

"Tulog ba sya? pwede pabatok ng isa lang? isang solid na batok lang, para sa pagkakalat nya" sabi ko.

Nang matapos kaming magligpit, inakyat namin si Kei sa room nya, akala namin tulog, pero nandun sya nakaupo sa bintana habang yakap ang mga tuhod nya at umiiyak.

"Kei?" mahinang tawag ni Charms sa kanya, hindi sya lumingon o sumagot kaya lumapit kami.

"Kei, anong problema?" mahina at malumanay na tanong ko habang hinahagod ang likod nya.

Inangat nya ang mukha nya na nakabaon sa pagitan ng mga tuhod nya at tinignan kami "Marami, marami akong problema, Ken" sabi nya. "Sa sobrang dami nila, hindi ko na alam kung pano pa sila susulusyonan, nakakapagod na, eh" she said while crying.

"Sige lang Kei, cry it out, ilabas mo lahat para maubos na" sabi ni Charms, dahil sa sinabi nya umiyak pa lalo si Kei.

"Ang sakit, ang sakit sakit na, ayoko na syang isipin pero kusa syang nagpa-flashback sa utak ko, gusto ko na silang kalimutan pero hindi ko magawa" sabi nya habang umiiyak pa rin sa balikat ni Charms.

"Shhhh, tahan na, matatapos rin yan" sabi naman ni Charms.

Kung kanina gusto kong batukan si Kei, ngayon gusto kong batukan rin ang katabi kong so Charms. Kanina sabi nya iiyak lang, ngayon patatahanin nya, itong babaeng to, mabait nga, shunga naman!

"Ganto pala kasakit ang umasa, parang dinudurog ng pino yung puso mo. Yung tipong ready ka sa trip nyo with destiny, pero naiwan ka kasi akala mo maaga pa, yun pala late ka na" sabi nya saka na kumalas sa pagkakayakap kay Charms.

"Ganto pala yung feeling ng mapaghigantihan at mapaglaruan, feeling ko dinudurog yung buo kong pagkatao, feeling ko drain na drain na ako" sabi nya pa.

"Kei, never waste your feelings on someone who doesn't value them, maraming mga tarantadong handang magbago para sayo, kaya kalimutan mo na yung Clark na yun, pati na rin yung hilaw mong ex best friend!" mahaba kong litanya sa harapan nya.

"Kendra talks 101" masayang sabi naman nitong si Charms na nagpatawa ng bagya kay Kei.

"Salamat sa inyong dalawa, ah, my life won't be easy when I'm not with the both of you" sabi nya saka kami nag group hug.

"Kaya you owe me huh!" sabi ko.

"Me too" sabi rin ni Charms.

Paasa Sya, Tanga Ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon