"Kung Mabaliw ka man" :FaMaIRoNuJaMi crazy story

423 5 10
                                    

Maganda ang umagang iyon kay Uche'l dahil sa makakasabay niya sa pag pasok ang kanyang crush na si Jao'm.

Si Uche'l ay hindi naman ganoon kagandahan. Maliit at morena.

Si Jao'm naman ay medyo matangkad, moreno at isang seryosong tao.

Naglinis si Uche'l ng kanyang katawan upang wala namang masabi si Jao'm na mabaho sa kanya. Masaya siyang umalis sa kanyang bahay.

Habang naglalakad nakasalubong niya ang isang matandang babae na nagpakilalang Ana. Nanghihingi ito ng konting pagkain sa kanya.

Sabi ng matandang babae, "Ineng... maaari ba akong makahinge ng konting pag-kain sayo?. Ako'y gutom na gutom na, pang almusal lang."

Sabi naman ni Uche'l, "Aba? Lola? May patago ka? Wagas makahinge? Ehem, excuse me lola I am just a STUDENT... "S.T.U.D.E.N.T" STUDENT. gets mo? hay nako sya sya eto 10 lang yan extra ko lang yang barya."

Matandang babae: "Haba-haba ng introduction mo, mag bibigay ka din naman."

Uche'l: "A ganon? akin na yang 10 wag kang kumain! ka bwisit ha?"

Matandang babae: " Ay... Sory ! Sory na! Akin na to sasampu nga alang e. "

Umalis ng matiwasay ang matandang babae at ganuon din si Uche'l. Masaya siyang rumampa patungo sa kanto ng kanilang village.

Hindi kalayuan nakita niya si Jao'm na palabas ng gate ng kanilang bahay. Mayasa ito at may dala pang mga rosas. Napangiti si Uche'l ng bonggang-bongga. Inisip niya na para sa kanya ang boquet of roses na iyon.

Binilisan konte ni Uche'l ang paglakad. Konti lang naman para hindi halatang excited.

Tinawag ni Uche'l si Jao'm, "Jao'm! Haller! I'm here!"

Sumagot si Jao'm : "Ah... Uche'l ikaw pala yan."

Uche'l : "Hinde, Hinde ako to. Picture lang ako. Malamang ako to!"

Tumawa lang si Jao.

Tahimik at walang kibo silang naglalakad sa kalsada. Tila hindi magkakilala. Nakatitg naman si Jao'm sa mga rosas na kanyang dala-dala. Habang si Uche'l ay naghihintay , baka sakaling iabot na sakanya ang mga bulaklak na dala-dala ni Jao'm.

Nagtanong si Jao'm: "Maganda ba itong bulaklak?"

Sumagot si Uche'l : "Ou, para kanino ba yan? ha? (sakin?)"

Jao'm : "Bibigay ko to sa teacher ko sa math para tumaas man lang ang grades ko dun."

Uche'l: "Hah? (akala ko sakin T.T) nako, SUHOL ! Ganyan ba section 1? "

Jao'm: " Wala kang pake, Nangenge alam ka? Gumaya ka pa. Para masaya ka din. xD"

Natigilan si Uche'l sa sinabi ni Jao'm sa kanya. Hindi nagtagal nakita na nila yung jeep na kanilang sasakyan. Bongga ung jeep, napakahaba, parang limousine.

Pagsakay nila sa jeep. Napa ngiti si Uche'l sa kadahilanang pinapatugtog ni kuya driver ang favorite niyang kanta nung una niyang nakasabay si Jao'm sa jeep. Ang kanta na iyon ay "Jeepney Love Story ni Yeng". Nako, Wagas ang ngiti ni Uche'l. Kinakanta pa. Habang umaandar ang jeep, nililipad ng hangin ang kanyang buhok.

Isang babae sa likod niya ang inis na inis dahil tinatamaan ang muka niya ng buhok ni Uche'l. Sabi ni ate : " Adik ka? Ano to? Music Video? Ayos mu yang buhok mo kung hindi mag gu goodbye Philippines yang buhok mo."

Napahiya si Uche'l. Syempre sa lahat ng mga tao sa jeep at higit sa lahat, kay Jao'm. Napangiti lang si Jao'm habang napapahiya si Uche'l.

Nakarting na sila sa kanilang school. Sa gate nakita ni Uche'l ang kanyang mga kaibigan.Nauna nang umalis si Jao'm.

"Kung Mabaliw ka man" :FaMaIRoNuJaMi crazy storyWhere stories live. Discover now