Chapter 7: A Change of Heart

3.5K 62 19
                                    

(Daniel's POV)

Tumakbo palabas si Kath. Siguro masakit nga yung mga sinabi ko sa kanya pero hindi ko hahayaang gawin nya yun kay Julia. Wala siyang karapatang saktan at sigawan si Julia nang ganun. 

Kaya, nakipag-break na ako. Pero, isang reason lang yung ginawa nya kay Julia. Ngayong na-realize ko na may 'feelings' ako para kay Julia... Gusto ko wala nang mangangailam. At saka, ayoko namang lokohin si Kath. Wala na akong gusto sa kanya pero gf ko pa rin. Wala namang sense di ba? Kaya yun. Break na lang. 

"Mr. Padilla, please. Kailangan mo nang humiga." sabi sa akin ng nurse. Nakatayo pa rin kasi ako kahit kanina ko pa gustong matumba. Nakaalis na si Kath at inassist ako nung nurse na bumalik dun sa kama. Humiga ako at napatingin na lang sa ceiling nang biglang pumasok si Neil. 

Umupo siya sa edge nung kama. "Bro. Okay ka lang ba? Anong nangyari sa inyo ni Kath?" tanong niya sa akin. Inalis ko yung tingin ko sa kanya at binalik sa ceiling. "Nakipag-break na ako kay Kath. Hindi niya dapat yun ginawa kay Julia." sagot ko.

Tumango siya at magsasalita na sana nang biglang pagsabihan siya nung nurse na kailangan niya daw umalis para makapagpahinga ako. Sumunod naman si Neil at nagpaalam sa akin. "Sige, bro. Usap na lang tayo pag okay ka na." sabi nito bago lumabas ng clinic. 

Maya-maya, bumukas ulit yung pinto. Akala ko si Julia pero si Mama pala. "DJ! Naku! Okay ka lang ba, anak?! Sobrang nag-worry ako sa 'yo." sabi niya habang papalapit sa akin para ako'y yakapin. 

"Mama naman. Nakakahiya kayo." sabi ko na parang naiinis pero sa totoo lang masaya ako dahil nandito na siya. "Tara na, anak. Iuuwi na kita." 

Bago pa ako makasagot, tumalikod na siya at kinausap yung nurse. Pumasok si Julia at halatang alalang-alala pa rin siya. Tumabi siya sa akin. "Okay ka na?" Tumango ako at ngumiti. "Syempre, nandito ka na eh." 

Imbis na ngumiti o tumawa, napakunot noo pa siya. "DJ naman. Seryoso ako." Umupo ako ng maayos. "Ako din naman, ah. Nung pumasok ka, umayos talaga yung pakiramdam ko." Nag-roll eyes na lang siya. "Julia, anak." sabi ni Mama habang may kinukuha sa bag. "Sabay ka na sa amin ha?"

Tumango si Julia at ngumiti. "Sige po, Tita. Thank you po." Bumalik ang tingin nya sa akin. "Tara na, mokong. Uuwi ka na." sabi nya sa akin. Nag-pout naman ako. "Mokong talaga?" Ngumiti siya nang nakakaloko at bumelat. 

Tinulungan nya ako tumayo at naglakad na kami papunta sa kotse para makapag-drive na si Mama pauwi. "Juls... Thank you sa pag-alaga mo sa akin, ha?" bulong ko sa kanya. Tumango na lang siya at tumingin sa labas ng bintana. Humiga naman ako sa lap nya at ngumiti nang mapatingin siya sa akin. "Inaantok ako." sabi ko sa kanya. Nag-roll eyes siya at inalis ulit ang tingin sa akin. Kinuha ko yung kamay nya at ilinagay sa ulo ko. 

"Ano na naman?" tanong nya na parang naiinis. "Patulugin mo ako, please?" nag-puppy eyes pa ako para magpa-cute. Nagbuntong-hininga naman siya. Napangiti ako nang maramdaman kong sinusuklay nya yung buhok ko ng kanyang kamay. 

Tumingin ako sa kanya pero mukhang malungkot siya. "Julia... May problema ka ba?" tanong ko dito. "Bakit ka nakipag-break kay Kathryn?" sagot niya na parang nag-aalala. "Syempre. Inaaway ka nya." 

We Belong Together (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon