Danger

28 1 0
                                    

                        Sinabi ni Rhena kay Yashia na pinaghahanap na ito ng mga pulis at ni Diego.Kilala nyang magalit si Diego, kahit sya nga ay wala ng halaga sa binata kayang kaya syang saktan nito at ayaw na ayaw nyang madamay pa ang mga taong nasa bahay na ito lalo na si Rhena.

                       Kaya nagplano syang umalis, dalawang araw na syang nakakulong sa kwarto at palaging umiiwas sa kanila dahil hindi nya gustong magkaroon ulit ng ugnayan kay Rhena at sa kahit kanino,  kinakailangan pa nyang mag imbestiga tungkol sa ama.

                                       Hindi nya magagawa yun dito dahil mabibisto ang kanyang plano. Si Diego lang ang nakakaalam sa storya ng buhay nya at  si Manong Dado na kapitbahay at matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ama. Bago pa may balaking masama ang dating kasintahan - para sa kanya ay tapos na sila - ay dapat masolve na nya ang lahat ng gusot.

                            Mag aala una na ng lumabas sya ng kwarto.  "Tingin sa kanan ,tingin sa kaliwa. Listen NO foot steps,..okay.. Clear "  kinakausap nya ang sarili,dala dala nya ang mga gamit. Dinala rin nya ang iba pang gamot.

                     Masyadong madilim  ang balcony. Kaya doon nya planong dumaan. Masyadong maliwanag kapag sa hagdan sya dadaan baka makita pa sya. Inilabas nya ang pinagbuhol-buhol na towel, damit, blanket , at mga kurtina upang makababa sya. Itinali nya ito sa railing.

                               Itinaas nya ang kaliwang paa sa railing upang makapwesto.

                                 "Ihuhulog kita o babalik ka rito sa loob?Pumili ka." saad ni Jad na nakasandig sa wall. May bitbit itong bottle sa kaliwang kamay.

                                 Muntik na syang mahulog sa tindi ng kanyang pagkagulat.She looked at his direction, calculating the distance between them and the time na possibleng maabutan sya nito kapag bumaba sya.

                              After calculating for few seconds nakapagdesisyon na sya kaya binilisan nya ang pagbaba. She was trained, kaya nangalahati na sya mula sa balcony at sa ground bago makalapit si Jad sa improvised ladder nya. Her shoulders ached terribly but she focused her mind. " It is your mind , sending feelings throughout your body, divert it. " She once again told herself.

                              Tatalon na sana sya ng malapit lapit na sya sa ground to lessen the impact. BUT unfortunately ay mas nauna ng nahulog si Jad sa lupa. Hindi ito kumilos at nanatiling nakahiga lang sa lupa.May malaking bato na malapit sa ulo ng binata kaya nanlaki ang mata nyang masingkit.

                        " tumalon sya? " four meters ang tinalon nito mula sa taas, tiningala ang balcony at muling tiningnan si Jad,  it is really not her intention to check the consciousness of Jad, until she noticed a shadow moved from the gate. 

                                    Nang tumalon na ang taong nasa gate palabas ay tinapik tapik nya ang pisngi ni Jad. Niyugyog nya ito ng malakas. "Someone's spying " gusto nyang sabihin sa binata ngunit hindi sya makapag salita.

                         " Hoy!Ano ba?" Hindi parin ito kumikilos, kinabahan syang bigla habang iniisip ang anino ng tao kanina." Baka binaril sya? " Mas nilakasan pa nya ang pag yugyog sa katawan ng binata "Pag namatay ka ng ganito kaaga, lagot ka sa akin! " tinapik tapik nya uli ang balikat nito.

                             
                                  Inilapit nya ang mukha sa ilong ng binata at pinakiramdaman kung humihinga pa ito.

" The DECEPTION "Where stories live. Discover now