Title: This I Promise You
Genre: Romance
Created: November 30, 2016
A/N: Pakinggan niyo po yung iniligay kong link para mas dama niyo po. :D Thank you!~*~
When the visions around you,
Bring tears to your eyes...
Isang estranghero't estranghera. Nasa isang pamilihan ako noong una kitang makita. Nakikipagtawanan ka no'n sa mga kaibigan mo. Sobrang ingay niyo no'n kaya kaming mga tao na dumadaan ay napapalingon sa inyo.
And all that surrounds you,
Are secret and lies...
Akala ko'y iyon na ang huli kitang makita. Ngunit nakita kitang muli sa canteen na nakikipagtawanan sa mga kaibigan mong kasama mo rin noong nakita kita sa pamilihan. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa mukha mo. Nakasuot ka lang ng uniporme, na simpleng puting polo at itim na slacks pero ang lakas pa rin ng dating mo.
I'll be your strength...
Nagdaan ang ilang araw at 'di ko man lang namamalayan na palagi na pala kitang pinagmamasdan. Napag-alaman ko na ang pangalan mo pala'y Andy. Bagay na bagay ang pangalan mo sa'yo.
I'll be your hope,
Keeping your faith when it's gone...
Isang araw bigla kang pumasok sa classroom namin. Kasali ka kasi sa student council at ikaw yata ang napag-utusan. Parang naging slow-mo ang lahat ng nakikita ko. Hindi ko magawang pigilan ang pagtitig sa iyo. Hindi ko na maintindihan kung ano itong nangyayari sa'kin pero isa lang ang nasisiguro ko. Unti-unti na akong nahuhulog sa'yo.
The one you should call,
Was standing here all along...
Simula no'ng araw na iyon, palagi na akong pumupunta sa park para lang masilayan ka. Ang mga ngiti mong sobrang tamis at masyadong nakakahawa, mga mata mong tuwing nasisinagan ng araw ay nagiging kulay brown, ilong mong matangos at mga labi mong mapula-pula. Usap-usapan na mabait, matalino, mahilig sa isports at mahilig ka raw sa musika.
And I will take,You in my arms...
Para akong pinagsuklaban ng langit at lupa no'ng mayro'n akong nabalitaan. Nalaman kong may girlfriend ka na pala. Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman no'ng mga panahong 'yon. Dapat ba akong masaktan o mainis? Mainis kasi hindi ko man lang naamin sa iyo 'tong pagtingin ko para sa iyo o masaktan kahit wala naman talaga akong karapatan?
And hold you right where you belong...
Simula no'n ay hindi na kita masyadong binibigyang pansin. Hindi ko na kita pinagmamasdan sa malayo. Napagtanto ko kasi na wala na. Wala nang saysay ang pagsunod sa iyo. Ang hirap lang talaga tanggapin na wala na, umasa ako. Umasa akong balang araw ay mapansin mo rin ako.
Till the day my life is through
This I promise you...
BINABASA MO ANG
This I Promise You
RomancePromises are worse than lies. It makes my heart sick when I remember all the promises that you say to me. If only... if only I can bring back the time. ⓒ All rights reserved. 2016