Chapter 9
“Yey! Finally! Pasukan na!” utas ko sabay unat-unat pa.
Binatukan ako ni Grace “Aray! Anu ba!” saad ko sa kanya.
“Anu ba kasi yang suot mo! Alam ban g asaw—I mean fiancé mo yan? May uniform na naman ikaw ha? Bakit kaylangang pumorma kapa ng ganyan?” utas nya.
Napatingin ako sa suot ko. “Anung masama sa suot ko?”
“Oh well, Crop t-shirt ang uber ikling shorts. Walang masama promise.” Saad nya sakin. Tumingin ako sa salamin.
Naka messy bun ang buhok ko, Nakasuot ako ng crop t-shirt tapos light wash denim short. When I say short, It means Short.. As in. Nakashades din ako.
“Walang masama dito grace.”
“Dah. I know you have a body, pero hindi naman kaylangang ipaglandakan dito.” Utas nya. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa kotse tapos ngumuso sa harap nya.
“Ganito ang nakasanayan ko sa states eh! Ang pangit naman kasi ng navy blue na uniform dito! Pagbigyan mo na ako. Next week magsusuot na talaga ako ng uniform.” Utas ko tapos kumindat sa kanya.
Montenegro University. MU. Haha. Muntik na akong matawa sa pangalan ng school na ‘to.
Bumaba kami ni grace ng kotse. Pinagtinginan agad ako ng mga studyante. Ibang-iba kasi ang kulay ko sa kanila. Oo nga’t. May mga mestiza din pero iilan lang.
“kaya mo na ba dito?” saad ni Grace sakin. Tinignan ko ang schedule ko tapos ngumite.
“yup! Room. 203 ako. Sa 2nd floor.” Utas ko sa kanya.
“Room. 401 naman ako sa 4th floor. Kung may kaylangan ka, Just give me a call okey?” utas nya.
Ngumite ako tapos tinanggal ang shades ko. “Sure. Paki kumusta ako sa Ash ko okey!” saad ko. Alam ko kasing classmate silang dalawa. Madaya ang mga iyon. 3rd year college na samantalang ako ng 1st year palang.
Pagkaalis ni Grace ay lumakad nadin ako para pumunta sa room ko.
Sumilip ako sa loob. Maingay. Wala pang professor.
Confident akong pumasok kaya nagsitahimikan ang lahat.
“uy! Mestiza!” nadinig kong bulong ng isang lalaki doon. Pinagwalang bahala ko lang iyon tapos ay pumunta sa dulo.
“Hi. Excuse me. Hmm. Can I sit here?” tanung ko sa isang babaeng maganda pero may isang malaking nerd glasses.
“Ah. Oo. W-wala namang nakaupo eh.” Saad nya sakin. Ngumite ako tapos umupo na sa upuan ko, Panay ang sulyap sa akin ng mga kaklasi kong lalaki kaya hindi ako naging komportable. Duh, ngaun lang ba sila nakakita ng maganda?
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
Ficção Geral“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...