Selena 3

53 2 0
                                    



Selena P.O.V


Andito ako sa labas ng pinto ng Twenty one cafe.

Inaatay ko si vincent alam kong pupunta yun dito..

Ahh. Ayan na siya sabi na eh pupunta siya dito HAHA.

Kaso bago ko siya tawagin may tumawag na sakanya babae.
Sino naman toh? chickboy naman neto dami babae.

"Vincent dito" Sabi nung babae nakablack na dress..

Lumingon naman agad si vincent dun sa babae at nginitian at umupo

at nagsimula na sila nagusap na parang seryosong seryoso.

Pero para silang baliw pupunta cafe di naman oorder tss edi sana sa park na lang sila nagkita.

habang kung ano ano naiisip ko. Bigla ko naisip na hindi naman masama siguro na makinig hahaha.

Para ako baliw sa likod nila habang nakikinig sakanila dalawa.

"Vincent ayusin mo trabaho mo ha.Pag tayo nabuking pati kuya mo damay." ani nung babae

Anong trabaho? May trabaho pala si mokong pero bakit damay si baby eric ko? huuh?

"Oo na, Vanessa walang makakaalam basta alagaan mo mabuti at sana magising na siya para hindi pakalat kalat kaluluwa niya tss." ani vincent.

"sige ako na bahala dun." ani nung babae

Pero bago pa makapagsalita si vincent bigla napatingin sa direksyon ko yun vanessa at parang nagulat at bigla na lang inalis ang tingin sakin. Huh? ang weird nakikita rin niya ba ko?..

Dun na naputol ang usapan nila dahil biglang umalis yun vanessa.

Hmmm Weird...

Pero bago ako maging tulala napansin ko lumabas rin si vincent kaya agad ko naman sinundan at tinawag.

"HUY KAMBING SAGLIT" tawag ko.

"ano Mangungulit ka nanaman?" ani niya.

"Uhmmm. siguro HAHA. joke -.-, may tatanong lang ako." Ani ko.

"Ano yun?" ani ya.

"Nakikita rin ba ko nung babae yun? Vanessa ba yun?Kasi kanina umiwas siya ng tingin sakin at bigla umalis" ani ko.

"Malay ko." ani ya.

Magtatanong pa sana ako kaso naisip ko di naman ako sasagutin ng maayos neto wag na lang kambing kasi eh puro damo kinakain -.-.

"Tsaka kambing pwede ba patira sa bahay mo? Tsaka pakainin mo na rin ako. Gutom na gutom na ko eh." ani ko.

"Pati pala multo nagugutom tss.. sige sige pero di ka titira sa bahay ko tss ano ka sinuswerte? lul. pasalamat ka akasjdhasghasj!" ani ya. Kaso di ko na narinig yun kasunod.

"Ano sabi mo?" ani ko

"Wala. tss.Tara na bilis" Ani ya. At naglakad agad.

Sa Bitter state building.

Ang weird naman nung pangalan ng building na toh.
Bitter? Ano toh pinaglihi sa ampalaya? HAHAHA.

"Bilisan mo selena." Ani ya.

"Oo na." ani ko.

At pumasok na kami sa condo niya.
Agad naman siya pumunta kusina para magluto ng kakainin ko.
At ako naman na ngealam na at naglibot sa condo niya.

ang ganda ng condo niya. Sana ganto rin condo ni baby eric ko haha bukas ng sundan ko yun.

Halaaa! ang cute naman bata toh.


"Kambing sino toh? bat ang cute niyaaa?"tanong ko.

"Ako yan. tsaka stop calling me kambing im not an animal." ani ya.

"Ay Hindi ba? Akala ko HAHAHA"ani ko.

"Tss. Lika na dito kain ka na." Ani ya.

"Sige" at agad ako pumunta sa dinning room para kumain. Waaaah! mukha masasarap pagkain dito ah. agad ako umupo para tikman ang mga pagkain nasa lamesa.


Kyaaaaah! Ang sarap. Kahit di ko alam tawag dito.


"Ang sarap naman ng mga toh" ani ko.

"Syempre ako nagluto" ani kambing vincent.

"Tss. Yabang. Pwede ba dito na lang ako? para lagi ganto kasarap pagkain haha. Kanin pa." ani ko

"Tsk.BAWAL! ang takaw baboy. tss." Ani ya.


"Edi wow." Ani ko

kain lang ako ng kain hanggang maubog ang mga pagkain. Hayyss busog busog ako.

"Ang sarap ng mga kainin ko kambing salamat. Busog na busog ako." ani ko.

"Oo nga halata. Mukha ka ng baboy tuloy HAHAHA!" Aniya.

Tss. Porket gwapo siya. Ay oo na gwapo na -.-.



"Oh! Alis na matutulog na ko. At may gagawin pa ko bukas." Ani ya.

"Grabe kaa! T_T. di ka na ba naawa sakin? San nalang ako pupulutin? tsaka gabi na." Ani ko.

"Oo gabi na pero di ka naman nila nakikita -.-" Ani ya.

Tss oo na kasi multo ako. Pero May naisip ako kalokohan HAHA.

Pinatulo ko ang luha ko at sabay sabi ng "Bakt porket multo ako? Malay mo may mangyare sakin masama dyan sa labas. Ang sama mo wala kang awa" Ani ko.

"Aaaaish. Oo na dun ka sa guest room matulog pero ngayon gabi lang ha? tss." ani ya.

YESS HAHAHA! BEST ACTRESS!...

Hayyssss.. Makatulog na nga.. susundan ko pa ang myloves ko bukas.

-----------------------------------------------------------------------------------------







SELENA (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon