Azalea's POV
Sinenyasan ni Snow yung boys na chupi kaya mukhang loading sila kaya nag abot nanaman kilay nya lalo na kay Nixon.
"Boys pwede bang umalis muna kayo?" sambit ni Snow na nakataas yung kilay. Kaya padabog silang umalis at mag boboys out daw sila.
"hoy! san kayo pupunta?" sambit ni Suzzete na naka cross arms at naka taas yung kilay
"magbabasketball lang promise" sambit ni Shaun at nag promise sign pa na nakangisi ng malaki. At tuluyan na silang umalis.
"so ano nga guys? ba't pinaalis pa yung boys?" tanong ko at lumapit pa sa kanila.
"si Vera kasi"
"oo, ano nga meron kay Vera at nag walk out pa?" tanong ko ulit. "mukhang inspired yun kasi may nagugustohan ata" dagdag ko ng biglang di mapakali yung tatlo.
At nagsisikohan pa sila kung sino yung magsasalita o aamin.
"sge na magsalita na kayo" sambit ko at tumawa ng bahagya.
"tama ka inlove nga" sambit ni Amethyst.
"hindi lang basta inlove kundi sobrang inlove" correction naman nung kakambal.
"So sino yung lucky boy?" tanong ko at excited na excited na talaga. Minsan lang kaya yun ma inlove kaya swerte yung lalaki.
"ehem si ano si yung ano nga na si ano -- Hep" pagtitigil ko sa kanya kaya puro ano nalang sinasabi.
"hindi ko kilala yang ano na sinasabi mo hahaha" pagbibiro ko kaya napatawa na naman sila.
"si Lucky boy eh yung boyfriend mo" diretsong sambit ni Snow kaya napatulala lang ako sa sinabi nya.
"totoo?" pag uulit ko ng tanong. Kaya tumango tango lang sila at sabay sabay pa.
Wait, so may pagtingin si Vera kay Jack? Shit! mahala ko na si Jack pero ayaw ko namang masaktan si Vera huhuhuhu ba't nagkaka ganito buhay ko?
Kailangan naming mag usao ni Jack. Kailangan naming itigil tong kalokohan namin dahil ayaw kong masaktan yung kaibigan ko. Ayaw ko ng humantong sa pag aaway to kaya aaminin ko nalang sa daddy ni Jack.
"guys may pupuntahan lang ako" sambut ko at di naghintay ng sagot nila. Mabilis akong naglakad para maabotan ko pa daddy ni Jack.
**
Nandito na ako sa bahay ng daddy ni Jack. Nakatayo lang ako sa malaki nilang pinto at nag dadalawang isip na pumasok. Ayaw kong pumasok kasi ayaw kung malayo sakanya. Pero kailangan kong pumasok kasi mahal ko yung kaibigan ko.
Kaya pumasok na ako at umupo sa sofa at yung assistant nalang ng daddy ni Jack yung tumawag sa kanya.
"Azalea your here" sambit nya na pababa ng stairs. Ngumiti sya ng pagkalaki laki at sinalubog ako ng yakap. Kaya tumayo ako at niyakap din sya.
Umupo na kami at senervan kami ng juice. Uminom muna ako para pampawala nerbyos.
"so ba't ka napa bisita?" tanong nya kaya huminga muna ako ng malalim para sabihin yung gusto ko ng sabihin.
"may aaminin lang po ako" sambit ko at yumuko kaonti.
"ano yun hija?" tanong nya ulit kaya for the last and final wave ay huminga ako ng napakalalim at ipinikit yung mata ko.
"Sasabihin ko lang po na -- " naputol yung sasabihin ko ng biglang bumukas yung pinto. Bad timing.
"oh anak andito kana pala" sambit ni tito at lumapit si Jack saamin at umupo sa tabi ko.
"yes dad tinawagan ko kasi assistant mo tinanong ko kung andito si Lea" sambit nya at inakbayan pa ako pero agad ko itong tinggal.
"so hija ano yung sasabihin mo saakin?" tanong ulit ni tito kaya nagbalik ako sa realidad.
"dad sasabihin ko lang po yung tungkol saamin ni Jack" pagsisimula ko kaya agad naman akong siniko ni Jack.
"ano to?" bulong nya saakin.
"sasabihin ko na yung totoo tungkol saatin" sambit ko at iniwasan sya ng tingin at binalik yunh atensyon kay tito.
"ehem" napatingin kami kay tito na naghihintay sa sasabihin ko.
"Fake po yung kasalan na nangyari saamin" diretso kong sambit at halata sa pagmumukha ni tito ang pagtataka. .
"wag po kayong maniwala dad" singit ni Jack pero ininsist ko talaga.
"totoo po lahat ng sinasabi ko, ang lahat ng ito ay palabas lang at walang katotohanan. Binayaran lang po ako ni Jack para magpanggap na asawa nya. Kaya hindi ito totoo at peke lahat ng ito" sambit ko at iniwasang tumingin sa kanilanh dalawa. Habang si Jack naman ay tinatry na hawakan ako pero iniiwasan ko ito palagi.
Nang biglanh tumawa si tito kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.
"well, i know everything about your contract hahaha" sambit nya at tumawa kaya nanlaki mata ko. For all the time alam nya na pala lahat na niloloko namin sya.
"what dad?" tanong ni Jack sa kanya na halata namang wala syang alam sa mga pinag gagawa ng tatay nya.
"of course pina imbestigahan ko na kayong dalawa. At alam ko rin na allergy ka sa loyalty, anak kaya kita hahaha" sambit nya at tumatawa pa (ng mag isa) So kami pala yung naloko.
"So okay lang pala ni dad eh" sambit bigla ng katabi ko at inakbayan ako ay medyo nilapit sa kanya. Inalis ko ito at dahil nagugulohan na ako ay kinuha ko bag ko at tumakbo palabas.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Wife (Completed)
HumorLove is in the Air. Love is Powerful. Love is Everything. Love is Unbreakable. Love is Indescribable. LOVE IS UNEXPECTED. Di lahat ng bagay ay para sa isa't isa. Lahat ay nawawala o naglalaho. Hindi lahat ng bagay ay makukuha mo lang ng hindi pinag...