Chapter 1

5.1K 143 2
                                    

GARA'S POV.

"Mom,kailan kaba ulit mag aasawa?"

Yun ang laging inuungot ko sa kanya, simula kasi nang namayapa si Dad ay Hindi na nanumbalik ang sigla niya,isa pa ay nasasabik na rin akong magkaroon ng bagong Ama at mga kapatid,bata pa rin si mommy at kaya pa niyang magbuntis kahit na 39 palang siya.Minsan nga in I imagine ko na may mga siblings ako na inaalagaan bininihisan at kasama gumala sa mall pati na mag out of town.

two years old palang kasi  ako ng mamatay si Dad Dahil sa heart attack, Simula noon,si Mommy na ang nagpalaki at nag aruga sa akin mag isa, she had been my mom and dad, at Dahil sa totally focus siya sa pag aalaga sa akin, nakalimutan na niya ang sarili niyang kaligayahan, Hindi na sya kailanman nag entertain ng mga suitors niya at puro Business at ako ang inaatupag niya.

"Haay naku anak,matanda na ang mommy,wala nang magkakagusto sa akin." Yan naman ang palaging isinasagot niya. "Kulubot na ang balat ko."

Ngunit kinokontra ko naman siya palagi.

"Kulubot? No way! Ganda ganda mo kaya Mommy, sexy pa! Bata kapa Mommy, Parang ikaw nga si Marian Rivera eh, flawless skin."

"Sus,inuuto mo nako niyan anak eh."

"Hindi kaya" lumapit ako sa kanya saka nagpungay pungay ng mata. "Look oh,magkamukha nga tayo eh,were both pretty.."


Halos mapalundag ako sa tuwa nang paglipas ng apat na buwan ay binalita ni Mommy sa akin na may nakilala daw siyang isang lalaki na mestizo at mabait,nangyari daw yon ng minsang mag deliver siya ng tela sa isang suki niya sa cubao at nakabungguan niya ito sa isang restaurant.

"David ang pangalan niya,katulad ko,biyudo na rin siya limang taon na ang nakakaraan at ayon sa kanya,may anak siya isang lalaki at dondie ang pangalan,Grade eight student."

"Eh Kailan ko naman sila mamimeet Mom?"

"Sabi ni David,dadalaw daw sila Dito sa Sunday ng gabi at isasama niya ang anak niya."

Naexcite ako pagkasabing iyon ni Mommy, Hindi na ako makapaghintay pa na dumating ang araw na yon, siguro dahil sa excitement ko na din na magkaroon ng kalaro ay ganun ganun na lang ang kaligayahan ko.kung pwde nga lang hilahin ang bawat araw gagawin ko mapabilis lang ang pagdating ng linggo.

Atlast! Magiging happy na din si Mommy..yeheeyyy magkakalovelife na din si Mommy!!!

Sumapit ang araw ng linggo,isang itim na Mercedes Benz ang pumarada sa harap ng gate namin,Kapagkuwa'y bumaba ang dalawang lalaki.

"Andiyan na sila Grace,Tara na salubungin natin sila." Aya sa akin ni mommy palabas ng bahay.

"Hello Ladies" nakangiting bati nito sa amin saka inabot ang mga pasalubong na dala nila.

"Hi po..welcome po kayo." Isang matamis na ngiti ang iginawad ko sa kanila.

Tama nga ang sinabi ni Mommy, Unang tingin pa lamang Kay Tito David ay Mukha na itong mabait,matangkad at gwapo,memestizuhin,at matikas pa rin ang pangangatawan kahit nasa mid forty na ito. Napatingin ako sa lalaking kasama niyang dumating na malamang ay si Dondie,Pogi din siya,mukhang clear copy sya ng tatay niya,matangkad ito na nasa 5'8 siguro,mestizo din at may isang malalim na dimple sa kaliwang pisngi,kaso mukhang bolero at pilyo.

DONDIE'S POV.

Nasa tapat kami ngayon ng bahay ni Tita Mary,siya ang babaeng nililigawan ni Daddy. Nameet kona siya minsan at bukod sa maganda,mabait din siya kaya hindi problema sa akin na magkarelasyon silang dalawa.Ang kwento ni Dad,may isang anak daw itong babae,bata palang daw pero mukha ng dalaga, naexcite tuloy ako sa sinabi ni Dad kaya nga gusto ko na siyang makilala.

Hmmmm..maganda din kaya siya kagaya ni Tita Mary???

Pagpasok pa lamang namin sa loob ay hinanap na ng mga mata ko ang anak ni Tita,at Hindi nga ako nabigo,saglit kong inikot ang aking paningin,Maya Maya ay bumungad sa aming harapan saka bumati ang isang babaeng nasa balikat ko siguro ang taas,maganda,maputi,at gaya ni tita,mabait din ito,palangiti saka friendly, kaya nga naging magaan agad ang loob ko sa kanya at nakadama na ako ng Pahanga sa kanya.

"Anong Level mona sa school Gara?" Tanong ko sa kanya.Nang mga sandaling iyon ay nasa dining table kami at sabay sabay na naghahapunan.

"Grade Five palang Kuya." Nagulat ako sa Sinabi niya,ang akala ko kasi ay nasa Grade seven na ito dahil sa laking bulas niya na parang dalaga na.

"Kasali sa honors yan Dondie,palaging top 1" pagmamalaki ni Tita,.

Nangislap Naman ang aking mga mata at mas lalong nadagdagan ang paghanga ko sa kanya.

Wow, hindi lang pala sya maganda, matalino pa...nice..

"Wow! Ang smart mo naman!" Sabi ko

"Kung gayahin mo kaya si Grace hijo?" Sabi naman ni Dad. "Kahit masabit kalang sa top 10 tuwang tuwa na ako."

Napakamot ako sa ulo.

"Puro kasi Gadgets,chicks,o kaya basketball ang inaatupag mo."

"Si Dad talaga,pinapahiya mo naman ako sa harap nina Tita eh." Kunwari ay nagmamaktol na sabi ko.

"Ngayon kapa nahiya,naku tsk!"

"Si Grace,ayaw niyan ng gadgets, hilig lang niyan magluto,magcross stitch saka magbasa ng libro." Sabad ni Tita.

"What a good girl huh."

"Anong books ang mga binabasa mo Gara?" Baling ko sa kanya.

" iba iba po kuya,may history, poetry, but mostly romance novels."

"Hala,be careful gara," kunwari ay banta ko. " baka maaga kang main love at magasawa ka ng Maaga kakabasa mo nian, study first muna,saka na ang love."

" sows! Nag advice ang matinong lalaki," natatawang sabad uli ni Daddy.

" Samantalang ikaw Hindi mabilang sa daliri mo ang mga chicks mo,nagmistula ring hotline ang bahay dahil sa araw araw ay sangkaterbang maya't mayang pagtawag ng mga babae mo."

"Dad naman,? Kasalanan ko ba kung habulin ako? Sa pinanganak akong gwapo eh! " humagalpak ako sa tawa. " Ipinama mo kasi sa akin ang sumpa! Hahaha!"

Walang pagsidlan ang kaligayahan ko ng mga sandaling iyon,Parang Isa na kaming pamilya na masayang nagtatawanan.

Mula din ng gabing iyon ay mas naging close kaming mag ama, Palagi na din kaming magkatawagan sa telepono o di kaya ay magka text ni Gara, halos araw araw ay walang palya ang kwentuhan namin, every weekend naman ay wala kaming palya dumalaw sa kanila,kung Hindi man ay magkakasama kaming kumain sa labas o mag out of town,nung summer vacation ay namasyal kami sa tagaytay,isang linggo kaming nanatili sa newly renovated na two storey house namin doon.

Hindi narin ako nagulat ng isang gabi ay sabihin nila na pormal na silang magkasintahan at alukin ni Dad si Tita Mary ng kasal, Hindi ako tumutol bagkus ay labis ang aking kasiyahan dahil sa wakas ay magkaka Mommy na din ako at madadagdagan na ang pamilya namin.

Accidentally Fell Inlove With My Stepsister(PUBLISHED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon