chapter 5-Manila Girl

1.7K 44 1
                                    


Namangha si Lyka sa ganda ng Maynila. Ang daming ilaw at matatayog na gusali. Halos hindi siya makapaniwala na lahat ng nakikita at nababasa niya sa mga libro at magazine ay abot tanaw na niya ngayon.

"Ang ganda ng Maynila, diba Lyka? "
Tanong ng kanyang tiya Luding na siyang nagsundo sa kanya at ngayon ay katabi niya sa upuan ng sasakyan.

"Opo tiya, ang ganda."

"Ah siya nga pala Lyka, halos kasinlaki mo lang din ang anak kong si Merly kaya natitiyak kong magkakasundo kayong dalawa. At nabanggit ko na din sa kanya ang pagtira mo sa bahay. Sa iisang paaralan din kayo magkokoleheyo kaya alam kong magagabayan ka niya sa pamumuhay mo dito sa lungsod. "

"Maraming salamat po tiya Luding, malaking utang na loob ko po ito sa inyo. Nasasabik na rin po akong makita at makasama si Merly. Mga bata pa po kami nang huling magkita."

"Itong batang ito, abay hindi tayo iba kaya ipalagay mo ang sarili mo sa bahay at batid kong sabik sa kapatid si Merly kaya nag-aabang na iyon sa ating pagdating. "

Napangiti nalang si Lyka sa tinuran ng tiyahin. At maging siya ay di na rin makapaghintay na makita ang pinsang si Merly.

***********

"Oh my God! Lyka? Cousin, is that you? " masayang salubong ni merly sa kanila pagkapasok na pagkapasok ng pinto. Sabay yakap sa kanya at ginantihan din niya ito ng yakap.

"Ikaw na ba yan Merly? Ang ganda ganda mo naman. "

"Yeah it's me! " at umikot pa ito sa harapan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yeah it's me! " at umikot pa ito sa harapan niya.

"Ikaw din naman ang ganda ganda mo.

No doubt, magpinsan nga tayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

No doubt, magpinsan nga tayo. " sabay hawak sa dalawang kamay niya at inaya na ito sa loob upang makapananghalian.

Masayang nagtanghalian ang mag pinsan kasama si Tiya Luding at ang asawa nitong si tiyong Tonyo.


Hindi matapos tapos ang kwento ni Merly sa pinsan. Bukas na bukas daw ay ipapasyal siya nito sa mall at mamimili sila ng mga gamit. Pupunta din daw sila sa papasukan nilang paaralan sa susunod na araw upang kumuha siya ng exam para sa scholarship niya.

"By the way couz, have you chosen your course already?" Tanong nito sa kanya.

"Oo gusto kong kunin 'mass communication' sana." Sagot niya.

"Wow! That's great"
Masayang sagot nito.

"Ako naman ay 'business management' ang kukunin, yun kase ang gusto ni papa para ako ang magtutuloy ng negosyo namin."

May furniture business ang pamilya nila merly, dati ay maliit lang ito na pagawaan ng mga kagamitan sa bahay pero ng lumaon ay lumaki nga ito dahil na rin sa pagtutulungan ng mag-asawa. Likas din silang matulungin sa kapwa kaya siguro pinagpapala silang lalo. Kagaya na lamang ng pagkupkop ng mga ito sa kanya, tutulungan siya ng mga ito na makapag aral ng walang hinihiling na kapalit. Ang nais lang ng mga ito ay makatapos siya upang matulungan din niya ang pamilya niya. Napakaswerte niya at may tiyahin siyang pinalad sa buhay at napakabait pa. Kaya naman hindi niya sisirain ang tiwala ng mga ito at mag aaral siyang mabuti. Para matulungan ang pamilya niya.

Kinabukasan ay nagulat si Lyka ng gisingin siya ni Merly.

"Hey couz,wake up, remember pupunta tayo sa mall. Ipapasyal kita habang malayo pa ang pasukan para ma enjoy mo ang manila" pangungulit ni merly sa pinsan.

Siya naman ay nagtataka kung paano itong nakapasok ng kwarto niya gayong ini-lock nita ito bago matulog.

"Hey, i know what your thinking. I have your keys po kase kanina pa kita kinakatok di ka sumasagot. Kaya ayun hiningi ko na kay mama yung susi. Baka napano kana kase" paliwanag ni Merly.

Tila naman naliwanagan si Lyka sa paliwanag ng pinsan.

"Ah sorry pinsan, di kase ako nakatulog kaagad kagabi kaya siguro napasarap ako ng tulog ngayon. Naiisip ko kase sila inay at itay. Bigla ko silang namiss kagabi."

"It's normal couz, first time mo malayo kay tita Celia at tito Eduard kaya naiintindihan kita. And anyway I wan't you to call me 'couz' also. Hello! Manila girl kana noh..!" Sabay tawa nito.

"Si-sige c-couz."ngiti niya sa pinsan ng binanggit ang mga salitang iyon.

"O diba mas sosyal?"sabay taas ng kanang kamay upang makipag apir sa kanya na agad naman niyang sinalubong din ng kanang kamay.

"Sige na couz, prepare yourself at ng makaalis na tayo. Hihintayin nalang kita sa baba".

"Thanks couz" maikling sagot niya dito.

Nang makalabas na si Merly sa kwarto niya ay napapangiti nalang siyang tumayo ng kama upang maligo. Naisip niya na maswerte siya sa pinsan niya dahil napakabait nito sa kanya. Tama nga ang tiya Luding niya na sabik ito sa kapatid.

Dinala siya ni Merly sa Mall of Asia.

"Wow!" Manghang sambit ni Lyka
"Ang laki naman nito couz. Di ko yata malilibot ito sa isang buong maghapon.

Nakangiti naman siyang tiningnan ni Merly.

"Kaya nga dito kita dinala para maenjoy mo. Mamaya manonood tayo ng sine at pag madilim na lalabas tayo para makita mo ang dagat."

At yun nga ang ginawa ni Merly. Lahat ata ng makita ni Lyka ay labis niyang hinahangaan at labis siyang nagpapasalamat sa pinsan niya dahil ipinasyal siya sa ganitong lugar.

★********★*********★*********★*******★*********★********★********

Author's section:
.

Hi guys? Kamusta kayo? Sana nag eenjoy kayo sa story ko. Sorry for some errors.begginer pa kase .
Pls don't forget to vote and follow niyo na din aq...

Love lots..

Ps. Sa mga nagtatanong kung nasan si Nate?? Don't worry,, Fortunato "nate" Gonzales is on our next chapter.

Di Kita Gusto Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon