i

3 0 0
                                    

Christmas Season na naman.

Yung paligid sa park na'to, punong puno ng Christmas Lights.

Yung mga kahoy, puno ng lanterns and lights.

Ang gaganda. Ang iilaw.

First time kong maramdaman yung essence ng pasko eh. Sa religion kasi namen bawal yung Christmas celebration.

"Loveeee!" Rinig kong pasigaw na daing ng isang babae sabay yakap sa likuran ko.

Isa pa tong babaeng to. Isa pang nagpakulay sa mundo ko. *hehe corny* but totoo, mahal namen ang isa't isa.

Take note, MAHAL NA MAHAL NA MAHAL.

"Oh labs? San galing?" Sabi ko naman sa kanya sabay hawi sa bangs niyang hanggang bibig na ang haba.

"Dun sa mga kaklase ko love. Nakita ko kasi silang kumakain kaya nanghingi ako. Hehe peeacee! " ang cute cute talaga ng girlfriend kong to. Laging gutom eh di naman tumataba.

"Ba't di mo sinabing gutom ka? Halikana nga't ibibili kita" patayo na sana ako nung pinulupot niya ang mga braso niya sa binti ko.

"Mamaya na love dito muna tayo. Panoorin natin yung stars!"

By the way nandito nga pala kami sa town park namin. And it's around 7pm na but ang dami daming tao. May carnaval kase sa kasalukuyan dito at my okasyon sa school namen na malapit lang din dito.

Anya- my gilfriend, and I are both in grade 11 pero hindi kami magkaklase. College na sana kame kung di kami inabutan ng K-12.

"LOVEEEE SHOOTING STAAAR!"

Sigaw na naman niya na halos namamaos na ang boses. Sa halip na tingalain ko din ang langit upang makita ang shooting star, nanatili akong nakatitig sa mukha nya.

She's really- she's really beautiful. Cute. Simple. Mahiyain at first. Palakain. Matalino. Journalist.

She's a total pack package. And i'm blessed to have her. And I'll make sure, na kahit ke bata bata pa ng edad namin, ay siya na ang huli kong mamahalin.

"Hey anya"

"Hmm?"

" I Love you"

"I love you moreeee!"

I held her hand at pinatayo siya. Magkatapat na kame ngayon.

"I love you most , Anya"

Then I kissed her in the forehead.

It was a very memorable day. Monthsary namin yun and masasabi kong iyon ang pinakamasayang monthsary namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destiny Meets ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon