Punyeta

25 0 0
                                    

Warning: yung language lol sorry, mga foot on kasi eh.

----

Hindi ka naman mata ko para maging malabo

Hindi ko alam kung totoo ba tong pinapalabas mo

Kung nag-aassume lang ba talaga ako

'O literal na ako talaga ay gusto mo


Utang na loob, huwag mo naman akong itaas

Kung para sayo, isa lang naman itong palabas

Palabas na walang kinahahantungan

Dahil sa huli, ako din ang masasaktan


Kung gusto mo ng may pansamantalang ka-landian

Punyeta ibahin mo ko, huwag ako iba nalang

Langhiya, marami pa namang iba diyan,

Yung gusto ng panandalian


Bakit nga ba kita sinusulatan ng tula?

Eh kung para sayo, wala naman akong halaga?

Halaga na sa dinami dami ng babae mo

Hinding hindi mo talaga makikita

PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon