Kabanata 11

438K 13.1K 3.7K
                                    

Kabanata 11

"HOW is he, Doc?" I asked the doctor assigned to my Dad.

"He's doing fine, Miss. Daplis lang ng bala ang tumama sa balikat niya. It's a good thing na nakaiwas siya dahil kung hindi ay may possibility na tumama ito sa dibdib niya," I sighed and closed my eyes. Sumilip ako sa pintuan kung nasaan ang walang malay na ama ko na nakahiga.

"Thanks, Doc." I said. He smiled and nodded before turning his back at me. Nanatili lang naman akong nakatingin sa Dad ko. He was asleep again, pagkagising niya kasi ay nagwala ito at pilit akong inaabot kaya nagdesisyon ang mga doktor na patulugin muna siya.

I received a call from a police officer about my Dad. He was shot by a still unknown man, ni hindi ko alam kung anong gagawin nang mabalitaan ito. From Iñigo's office ay mabilis akong pumunta dito, ni hindi ako nakapagpaalam sa sobrang kaba.

We checked the CCTV, only to find a man wearing black. By the looks of it, ito rin marahil ang nagpadala sa akin ng death threats at ang humabol sa akin sa elevator.

Mukhang alam din nito ang pwesto ng CCTVs sa loob ng presinto dahil wala siyang kuha na pwedeng maaninag ang itsura. I still don't know how he managed to enter and escape the prison that fast. Maybe the prison is at fault, for not having enough security to protect the inmates but what can I do?

Nandito na, nabaril na ang Dad ko and I think it's a sign for me to finally remember my plans. I was too drowned by my attraction to Iñigo. He attracts me that much that I forgot about my mission. Mabilis akong napaayos ng tayo nang makitang gumalaw ang Dad ko. Mabilis na pumasok ako para puntahan siya.

"Dad," I called him, nang magsalubong naman ang mata namin ay nakita ko kaagad ang pag-apoy nito.

"What are you doing here?" matigas niyang sabi. "I told you to leave, right?"

Umiling naman ako at inalalayan siya nang pilitin niya ang maupo pero hinawi niya lang ang kamay ko. Napasinghap ako sa sakit ng pagkakatama nito pero huminga lang ako nang malalim at pinagmasdan siya.

"How are you feeling?" tanong ko sa kanya. Naupo ako sa silya para sulyapan siya.

"Get out, Thallia. If you can't do your job right away then leave. Wala akong anak na patapon," inis niyang sagot sa akin. I felt the heaviness in my heart. Parang may sumaksak sa akin sa sinabi niya but I stayed cool.

"I will do it, just give me time."

"Time? I almost died in the fucking jail, Thallia! What will that time do? Kill me?" iginalaw niya ang kamay niya pero hindi niya nagawa. Ibinaba ko ang tingin ko sa nakaposas niyang kamay at kinagat ang labi ko.

I will get you out of jail, Dad.

"Hindi ko naman makukuha kaagad iyon. Iñigo Sandejas is more ruthless than it seems, hindi—" nag-iwas ako ng tingin. "Hindi madali malaman ang tinatago niya."

"Then do it desperately! I don't want to sleep in that goddamn cell again! I'm trusting you to do this for me, Thallia."

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ko. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. "Why did you steal the money? Nasaan na iyon?" nang ihampas niya ang kamay niya sa lamesa ay halos mapatalon ako.

"I told you not to meddle with my life! Just do what I told you to!" sigaw niya. Galit ang boses niya pero hindi ako makontento roon. There's something in his eyes I can't even explain, I felt something weird. Something is wrong, I know something's going on.

"Who told you to do it?" nawala ang emosyon na iyon sa mata niya. It was replaced by a sharp glare and when he began reaching me ay tuluyan akong napaatras.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon