MS:HP 2

8 0 0
                                    

--------------------------------------------------------------------------

Ayumi

Alas tres na at nakakabagot na dito, kaya tumayo na ko para magpaalam. Wala naman kasing ibang ginawa dito kundi mag aral,"Guys, una na ako ha" at niligpit ang mga libro

"SABAY NA TAYO BES!" Sigaw ni Sakura kaya napakamot lang ako ng ulo, "sensya na ahm sakura, ah ano kasi, may ano may pupuntahan ako" palusot ko, nagtaas na lang sya ng kilay at tumango, kaya umalis na agad ako

Sakura

What's up with her? ayaw nya akong isama sa pupuntahan niya, that's strange dahil sa haba ng bakasyon di niya man lang kami naisipan tawagan, tapos ngayong first day ulit ng klase ay ayaw nya pa akong makasabay? Somethings up here, I need to make sure of it.

"Uuna na rin ako" tumayo ako at nagligpit na rin ng gamit,

"Gusto mo sabay tayo" pang aasar ni Akiro, hindi ko sya pinansin at lumakad palapit kay Misaki, "sasabay ka naman siguro di ba?" Tanong ko kay Misaki kaya tumayo na rin sya at nauna pang maglakad palabas, tsk babaeng to talaga!

Sumakay kami sa sasakyan namin, family car to at may driver kami dahil bawal pa akong magdrive dahil 15 ang legal age dito, pinasakay ko si Misaki, "kuya pasundan na lang po si Ayumi, yung hindi tayo mahahalata" sabi ko kay kuya na driver, sumunod naman sya. Titig na titig ako kay Ayumi habang sinusundan ko sya ng tingin, saan kaya ang punta nito? Halata naman g hindi sya sa bahay nila pupunta e, pero saan? Tumingin ako kay Misaki, at tahimik lang syang nagbabasa at halatang hindi interesado sa nangyayari, paano ba namin to naging bestfriend ni Ayumi?

Ilang sandali pa ay nagpark kami sa isang fast food chain, pumasok sya sa loob kaya napakunot ang noo ko, kakain sya sa fast food chain ng hindi kami sinasama? May galit ba talaga siya samin? O baka naman may kasama siyang iba kaya ayaw niya kami isama, tumingin ako kay Misaki at nilapitan siya, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inalog alog siya, "posible ba? Posible ba na may ibang kasama si ayumi dun?!" Frustrated kong taning kay Misaki at inaalog alog pa rin siya
"Idiot" simpleng sagot niya at inalis ang kamay ko sa kanya, "pero Misaki naman! Pinagpalit na tayo ni Ayumi huhuhu" OA kong sabi habang kunwaring pinupunasan ang mata ko, pero may bigla ring pumasok sa utak ko, posible nga ba? Humarap ulit ako kay Misaki, "Misaki! Hindi kaya may kadate si Ayumi ngayon?" Binatukan lang ako ni Misaki, brutal talaga to, pero di ba kasi pupunta sya sa Fast food chain ng di kami sinasama, baka may tinatago sya, tsaka nitong bakasyon napaka busy nya. Kailangan ko makita kung sino yung dinidate niya, kailangan kong pumasok sa loob, "Tumigil ka Sakura" pigil sakin ni Misaki, kaya napapout ako bakit ba ang kj niya? "Kausapin na lang natin siya bukas" sabi niya, "Kuya, pahatid na po sa bahay" utos ni Misaki sa driver namin.

Una siyang hinatid sa bahay at ako naman , pagkauwi ko ay humilata at nanuod lang ng kung ano ano sa tv.

Ayumi

Katatapos lang ng duty ko dito sa MgChicken, isa itong fast food chain at nagtatrabaho ako dito, kailangan ko ng maraming pera para sa mama ko, nagkaroon kasi ng hindi inaasahang sakit ang mama ko nung bakasiyon kaya napilitan na rin akong magtrabaho, dahil yung papa ko ay iniwan kami isang linggo bago ko nalaman ang tungkol sa sakit ni mama, sinama rin ni papa ang nakababata kong kapatid. Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko naman na ako ang dahilan ng paghihiwalay ng magulang ko, pero huli na para don, sa ngayon kailangan gumaling ni mama sa sakit niya, na hindi pa natutuklasan kung ano,

Papunta ako ngayon sa hospital kung saan nakaconfine si mama, gabi na ngayon at delikado sa tulad ko ang maglakad mag isa ng ganitong oras pero nasanay na rin ako. Pagkatapos kong dumalaw kay mama ay papasok naman ako sa pangalawang trabaho ko sa Quick, na isang 24hours open na convenient store.

Kumatok ako sa kwarto ni mama at pumasok, kasama ni mama ang pinsan kong si Alec nanagbabantay sa kaniya, buti nga at napakiusapan kong bantayan si mama habang nagtatrabaho ako at nasa school. Lumapit ako kay mama, mahimbing siyang natutulog, ang payat niya na at ang putla. Sa tuwing nakikita ko siya sa ganitong sitwasiyon, naiinis talaga ako sa sarili ko, sana kasi umalis na lang ako ng bahay para naalagaan siya ni papa ngayon, Ang laki laki ng galit sakin ni papa dahil sa hindi ako ang tunay niyang anak at pabigat lang daw ako sa bahay, kung hindi pa sinabi sakin ni papa na ampon ako nung araw na umalis sila, hanggang ngayon siguro pinanghahawakan ko pa rin na sila ang totoo kong pamilya. Hindi ko na rin naitanong si mama kung ano ang tungkol sa pagkatao ko dahil mula nung umalis sila papa, lagi na siyang tulala at humantong na sa ganito.

Di na rin ako nagtagal sa ospital at umalis na, pumasok na ako sa pangalawang trabaho ko bilang cashier, dalawa lang kaming employee dito at isang guard. Hindi naman ako napapagod dito dahil gabi na kaya wala masiyadong customer, nakakaoagpahinga ako, tapos yung kasama ko pa sa trabaho ay sobrang bait, hinahayaan niya akong magpahinga tapos siya ang magtatrabaho dahil tulog naman daw siya tuwing umaga. Alas tres na at uuwi na ko sa bahay, ganito ang routine ko araw araw simula nung nangyari ang insidente kay mama, hindi ko naman siya sinisisi na ganito katamlay ang buhay ko, mas sinisisi ko pa rin ang sarili ko.
Wala sa sarili akong naglalakad pauwi ng may humatak sakin, "shhh..." buling niya sakin, hindi ako sumigaw dahil wala nga ako sa sarili ko at talagang puyat ako, tumingin ako sa kanya, nakatingin siya sa ianag direksiyon a seryosong seryoso, tumingin din ako don at nakita ang isang lalakina may hatak hatak na sako at may tumutulong dugo mula dito, nabuhay bigla ang diwa ko sa nakita ko, akmang sisigaw ako ng takpan ng kasama ko ang bibig ko at hinila ako paalis sa lugar, ng makalayo kami ay ako na mismo ang nagtanggal ng kamay niya sa bibig ko, "ano yun?!" Bulyaw ko sa kaniya, nagkibit balikat lang siya at pununasan ang pawis sa noo niya, "Nakita ko lang rin yung lalaki na may bitbit na sako, akala ko pulubi kaya tutulungan ko sana kaso napansin ko yung dugo kaya nagtago agad ako baka ako pa patayin nun"

"Kalalaki mong tao natatakot ka?" Sabi ko at umupo sa tabi niya, "kung hindi kita hinila at nakita ka niya, sigurado akong liligpitin ka rin niya" halata sa kaniya na kinakabahan pa rin siya sa mga nakita niya, sino bang hindi? "Edi salamat, uuwi na ako" pinagpag ko ang pantakon ko pagkatayo at akmang aalis na, pero hinawakan niya ang kamay ko, "ihahatid kita, delikado na"

"Hindi ba mas delikado kung sasama ako sayo? Paano kung kasabwat ka ng killer kanina?" Binitawan ko ang kamay niya at umalis na.

Pagdating ko sa bahay ay mabilis akong nagbihis at nagpahinga kaso, hindi pa rin mawala sa isip ko yung lalaki kanina na may bitbit na sako, alam kong kilala ng lugar namin na rapist city, pero hindi naman killer's city.

My Secret ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon