"What you don't know won't hurt you!" ika nga nila pero minsan ito pa ang mas masakit kisa sa katotohanang nakikita ng sarili nating mga mata.
Sa bawat bagay na dumaraan sa ating buhay, hindi lahat alam natin at naiintindihan. Kaya naman akma lang siguro ang kasabihang yaon. Gaya na lamang sa nangyari sa magkasintahanang Richie at Suzette.
High school palang sila ng umusbong ang pag ibig sa bawat isa. Umabot na sila ng walong taon pero matatag pa rin ang kanilang relasyon. Ika nga ng mga barkada, they were meant to be na talaga. Though engaging in sexual stuffs is essential to a certain relationship, walang namagitan sa kanilang dalawa sa loob ng mga taon na iyon. At iyon ang isa sa rason kung bakit mahal na mahal ni Zytte si Richie. Kahit pa minsan halos maubos na ang timpin nito sa kasukulan ng kanilang intimate moment.
But then, we don't hold all the happenings in our life. Secrets were everywhere. At kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa ikakabuti niya.
Nagtrabaho si Zytte bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa Maynila pagkatapus nilang magtapus ng high school dahil sa mahirap lang din naman sila. Bunso siya subalit di man lg nagtapus ng elmentarya ang mga kuya niya, puro pa bisyo at gala ang mga ito. Wala na silang ama, kya napilitan siyang magtrabaho sa murang edad para mkatulong sa nangangayayat na niyang nanay.
Nalungkot man si Richie pero wala siyang magagawa, mahirap din sila gaya nina Zytte at sunod pa siya sa panganay nila na wla din yatang direksyon ang buhay. Sa tulong ng scholarship, nakapag aral siya sa kolehiyo...
Lingid sa kaalaman niya, hiningian ng mga magulang niya ng pera buwan buwan si Zytte para daw sa pag aaral ni Richie. Pero hindi iyon napupunta sa lalaki, bagkus sa kung anu anung maisip na pagkakakitaan nilang mag anak. Hindi man masama ang intensyon ng mga ito subalit sa kalaunan nalimutan ng mga ito na bf lamang ni Zytte ang anak nila at di pa asawa. Naging demanding na ang mga ito na dumating sa punto na nakipaghiwalay na si Zytte kay Richie sa di malamang dahilan. Pero sadyang mahal niya ang lalaki kaya hindi din nagtagal at nagkabalikan ang mga ito. Through their relationship is long distance one, this never hinders to let them love each other more compared sa ibang relasyon.
Binalaan naman siya ng mga magulang nito na kung magsusumbong kay Richie, mapapahamak ang kanyang pamilya. Kilalang dating rebelde ang mga magulang ng lalaki, kaya naman tahimik na nilunok ni Zytte ang pananamantala at pamba blackmail ng mga ito sa kanya.
Sa kabilang banda, nakapagtapus din si Richie sa kolehiyo. Pauwi din si Zytte sa kanilang lugar. Excited na siyang makita ang pinakamamahal. Mahigit 5 taon din silang hindi nagkita ng lalaking pinakaiibig. Sabik na sabik na siyang masilayan ang matatamis nitong ngiti.
Pag apak ng kanyang paa sa lupa mula sa sinakyang trisikel muli bumalik sa kanyang balitawtaw ang mga nakaraan. Napangiti siya sa huling naalala. Nagsumpaan silang dalawa noon na magmamahalan habangbuhay.. Gamit ang dahon ng niyog na ginawang singsing, they exchanged vows of everlasting love sa punong nahagip ng kanyang mata. Iyon ang puno ng bayabas sa tabi ng bahay nina Richie. Excited niyang tinahak ang maliit na daanan patungo sa bahay ng kanyang mahal. Malapit na siya dito ng biglang may lumabas na babaeng buntis sa pintuan, dumagundong bigla ang kanyang puso...Ikinubli niya ang sarili niya sa may kakapalang kumpol ng bulaklak na gumamela at matamang nakinig sa maaring kasagutqn sa mga katanungang biglang umulpot sa kanyang alkansiyang utak...
"Chie alis muna ako ha? Doon lang ako kina Manang Luding, pipili lang ako ng mga damit pambata. Bye"
Laglag ang balikat tinahak niya ang daan pauwi sa kanilang bahay. Ganoon nalang din ang dagan ng bigat sa dibdib niya ng makitang halos bibigay na ang mga haligi ng kanilang bahay kahit anu mang oras. Oo nga pala...hindi raw sapat ang perang pinapadala din niya sa ina pagkat may sakit itong TB. Mabigat niyang inihakbang ang mga paa papasok sa loob ng kanilang tahanan..