ⓒ
Bakit ka MANHID?
- Di mo ba alam na may gusto ako sayo?Bakit ka BULAG?
- Nandito lang ako sa tabi mo naghihintay na mapansin mo.Bakit ka BINGI?
- Hindi mo ba naririnig ang sinisigaw ng puso ko?Bakit ka NAGYAYABANG?
- Dahil ba sa alam mong maraming nagkaka-gusto sayo.Bakit ka MAAPEAL?
- Tuloy marami akong karibal dito sa lupalop ng mundo. Nakakainis, ano bang meron ka at na-in-love ako sayo!Bakit ka PALANGITI?
- Grabe ka talaga! Isang smile mo lang nawawala lahat ang lakas ko.Bakit ka GREAT PRETENDER?
- Pretending na wala lang ako sa paligid mo. Ano ba ako, multo?Bakit ka EWAN?
- Hindi mo ba alam na MAHAL NA MAHAL KITA?At bakit ba nagkaroon ng isang taong ganito na lang ang pagkagusto sayo?
Isang taong tulad ko na naghihintay lang na MAHALIN MO.
Sana magkatotoo na magkaroon ako ng puwang sa puso mo.
Sana nga,
Sana nga...
MAHAL MO RIN AKO!
***
Again, HINDI AKO ANG NAGSULAT NITO.
Nabasa ko lang to dati sa isang school magazine or news paper, mga 3rd year high school pa ako. And then the story/statement/tula, o kung ano mang tawag dito? Haha hindi ko alam, basta isinulat ko nalang sya sa notebook ko kasi natuwa lang ako at somehow nakaka-relate ang ate nyo (at alam kong makakarelate din kayo). Then recently nakita ko ulit ang notebook na pinagsulatan ko nito. Binasa ko at naisipan kong i-share dito sa wattpad, para sa mga taong may mga lihim na pagtingin sa kung sino. ;)
Again. Copyright to the owner.