Ang pagmamahal kung tutuosin ay ang pinaka ka magandang emotion na pwede mong maramdaman at maranasan. Nasasayo ang desisyon kung ang pagmamahal na ito ay ang bubuo sainyo o ito ang sisira sainyo.
Una palang ng nakita ko siya meron nako naramdaman para sakanya. Hindi ko masabi kung ano ba talaga nararamdaman ko pero alam kong maganda to. Hangang sa lumipas ang mga araw nakakaramdam nako ng selos sa mga tao na nakakausap niya. Napatanong ako sa sarili bakit ako nagkakaganito? Hindi ko alam na mahal ko pala siya. Hangan sa dumating ang panahon na umamin ako sakanya. Hindi ko alam kung matutuwa siya sa nalaman niya o itataboy niya ako. Sa awa ng diyos natuwa ako sa sagot niya. Tinangap niya ako sa buhay niya. Dun nagsimula ang tunay naming pagmamahalan. Taon ang naglipas wala kaming hiwalayan at cool off. Dahil nung nagaaral pa kami sa mababang baitang meron kaming guro na nagsabi. Ang sekreto sa maganda relasyon ay ang "wag niyong gagawing option ang break up o cool off" eto ang mas nagpatibay saamin. Kami ay legal sa mga magulang namin at inaalagaan namin ang tiwala na ibinibigay nila para saamin. Kung tutuosin ang ganda ng relasyon na meron kami. Lumipas ang taon at hindi nagbabago ang pagmamahal ko sakanya. Mahal na mahal ko siya. Kahit umaabot ang lag aaway namin sa hindi pag pansinanat nababali na namin ang nasabi ng aming guro. Pero hindi to hadlang para itigil ko ang pagmamahal ko sakanya. Alam kong bata palang kami pero handa ako mag hintay kahit gaano katagal mapatunayan ko lng sakanya ang pagmamahal ko sakanya. Hindi ako susuko sa kahit ano man na problema. Lalaban ako hangang sa kaya mo mahal na mahal kita Sofia.
-Nagmamahal Heinz.