Pauwi na ako ngayon galing sa school. Napa-sigh nalang ako sa nangyari kanina. Bakit ba kasi ako nadapa sa harapan ng crush ko? 'Ang palpak mo talagang bata ka' yan lang ang nasabi ko sa sarili ko.
Ang dilim dilim ng daanan....wag naman sana ako makasalubong nang isang engkanto, manananggal, masamang tao o di kaya'y isang lasinggero. Hindi pa ako pwedeng mamaalam sa mundng ito! Hindi ko pa nakukuha ang puso ng taong gusto ko, Kailagan maging kami, magka anak at magkasamang tumanda bago ako mawala sa mundo na ito.
"Wag ka nanag umasa sa mga gusto mong mangyari sa inyo n iyong iniibig iha"
Bigla akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang nasa likod ko.Isang matandang babae na nakasuot ng isang itim na bestida. Napalunok ako bigla Hindi kaya multo itong kaharap ko?
"Mali ang iyong iniisip iha.. Hindi ako multo"
Kung hindi siya multo kung ganon manananggal siya?!?! OH MY MOMAY! wag naman sana.....
"Hindi ako isang manananggal iha"
"Nababasa mo ang isip ko?"
"Isa akong manghuhula iha at hindi mapupunta sayo ang taong gusto mo dahil iba ang guhit ng kapalaran niyo"
"At pano naman nalaman yan, aber?!" Akala mo kung sino kung maka asta...
"Alam ko lahat Cherry" Te---teka? pano niya nalaman ang pangalan ko?"Sabi ko sayo...alam ko ang lahat" Gusto kong tumakbo.....gusto ko ng umuwi...."Pero may paraan para mapaibig mo siya"
"A--anong pa--paraan?"
"Isang black magic"
"Black magic?"
"Isang black magic ang maaaring bumagong guhit sa inyong kapalaran... yon ay kung gusto mo?"
At dito nagsimulang magbago ang takbo ng buhay ko
BINABASA MO ANG
Little Black Magic
FantasyLahat tayo sa mundo ay gusto ng pagmamahal..uhaw sa pagmamahal....nangungulila sa pagmamahal.. pero handa ka bang sumugal para lang makuha ang pagmamahal na inaasam mo?