Bumalik Ka Na Sakin

195 9 0
                                    


"Ano na naman kasi ba ginawa mo?" tanong ni Jeron sakin


"Naku kuya, mukhang matagal tagal na suyuan na naman ah" sabi ni Jollo na kasama ang girlfriend niya si Elysse.


Andito kami ngayon sa isang restaurant sa taft kasama ang sila Andrei na kasama ang girlfriend niyang si Arianne, Ricci na kasama din ang girlfriend niyang si Krishna, Prince na kasama din ang girlfriend niyang si Via at si Jeron na kasama si Jeanine.


Edi sila na may girlfriend na kasama ngayon.



Ako na tong walang girlfriend na kasama ngayon...  :(



"Hoy ano na, di ka ba magkkwento?" Tanong ni Prince


Napa-buntong hininga ako at pumalungbaba. "Ganto kasi yon.."



Flashback

Andito ako sa cafeteria kasama ang mga kagrupo ko sa isang subject. Kagrupo ko si Bea Escudero at Arra. Oo, Arra San Agustin.


Wala namang awkwardness. Okay lang naman kami, friends naman kami eh.


So yun nga. Habang gumagawa kami ng powerpoint presentation para sa report namin mamaya.


Kumakain kasi ako kasi nasa cafeteria kami (malamang) nang bigla akong mabilaukan.



Shet




Katakawan mo kasi Thomas eh



Di ako makahinga.



Napansin yun ni Arra at Bea kaya naman tinulungan nila akong mailabas ang nakaBARAng pagkain sa lalamunan ko.



Si Bea ang may hawak ng mukha ko at tinutulungan akong ilabas ang pagkain habang si Arra naman ay naka-back hug sakin para tulungan din ako.



Eh sa kamalasan nga naman, andun pala si Ara ko sa pintuan papasok ng cafeteria.


Pota. World War 18 na naman.


Sa wakas natanggal na din.



Syempre nag-thank you naman ako kela Bea at Arra at tuluyan ng tumakbo para habulin si walk out queen.


Teller of TalesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin