One shot

20 0 0
                                    


Sa isang paaralan ay may magbabarkada sila ay sina Nathan, Lance , Caryl, Kent , at ang nagiisang babae sa grupo nila si Shimeah. Mahilig sila maglaro at mangtrip sa mga kapwa estudyante nila parang sila yung boss ng school takot ang lahat sa kanila pero isang araw may bagong transfer na lumipat sa kanilang paaralan na nagngangalang Juliana isa syang babae na weird, nerd, matalino at may isang sekreto na hindi alam ng lahat ayun ang dahilan kung bakit palagi syang palipat-lipat ng lugar.
Isang araw nagkasalubong ang magbabarkada at si Juliana habang naglalakad si Juliana tinalapid sya ni Nathan nagsitawanan ang magbabarkada pero tumayo agad si Juliana, sinigawan at nakipag bangayan siya sa magbabarkad kaya pinahiya siya at hinila siya sa likod ng paaralan dahil siya lang ang bukod tanging sumigaw sa kanila at nakipagbangayan pa sya.
"Ako na rito" sabi ni Shimeah
"Geh manonood na lang kami rito" sagot ng barkada, sinampal ni Juliana si Shimeah nabigla naman siya kaya sinabunutan ni Shimeah si Juliana habang kinakaladkad siya sa may damuhan huminto muna sya saglit napahiga siya di umano ay pinagtatadiyakan sya sa tiyan at sa iba pang parte ng katawan wala siyang nagawa kundi ang umiyak habang ang buong barkada naman ay sumisinghot ng ragbi at tumatawa.
Sayang saya sila parati pag may umiiyak puro pasa at punit punit na ang damit ni Juliana nakahiga parin siya di na siya makakilos sa sobrang sakit ng katawan habang ang magbabarkada naman ay nababaliw na dahil sa pagsinghot ng ragbi tumayo ang barkada at nilapitan nila si Juliana nakikita nila ang maputing katawan ni Juliana dahil nababaliw na sila nagahasa nila siya, nauna si Nathan, sumunod si Lance, Caryl at Kent binaboy nila si Juliana dahil sa sobrang hinanakit at sakit na nadarama ni Juliana nalagutan na siya ng hininga natauhan ang magbabarkada ng lumapit si Nathan kay Juliana na wala ng buhay.
Binuhat nila si Juliana nilibing nila sa may likod rin ng school pero medyo malayo sa pinagkamatayan niya. Lumipas ang isang linggo tapos na ang klase nagsisiuwian na lahat habang ang magbabarkada ay nagkakatuwaan at naglaro merong isang babae ang nagmamasid sa kanila mula sa malayo
"Sige magsaya kayo ngayon tignan natin mamaya sa gagawin ko sa inyo at dadalhin ko kayo sa impyerno Bwahahahahahahahaha" sabi ng isang babae na nakatingin lang sa magbabarkada
Nagsiuwian na ang magbabarkada nakasakay sila sa isang van unang bumaba si Nathan sa kanilang bahay paguwi niya ng bahay ay walang ilaw ang kanilang bahay at nakaawang pa ang kanilang pinto pagbukas niya ng pinto napahagulgol siya dahil patay na ang kanyang buong pamilya habang naglalakad siya biglang sumara ang pinto ng malakas sa pagkabigla niya na pa tingin sya sa likod niya pero wala siyang nakita.
Pagharap niya napaatras siya agad dahil sa sobrang takot dahil may babaeng nakatiwarik. Ang paa ay nasa kisame naglakad ito papunta sa kanya pero siya ay na atras lamang ng atras nang nasa dulo na siya malapit sa pinto at wala nang maaatrasan ay nagulat siya dahil biglang may lumabas na kamay sa tyan niya at ng dahil dun butas ang kanyang tiyan umuubo pa siya ng dugo nakatingin lang siya sa babaeng naglalakad papunta sa kanya pagkalapit ng babae sa kanya hinawakan pa siya sa baba ng babae at hinawakan pa sa may dibdib bigla niyang kinuha ang puso nito at na tibok tibok pa kaya lalo pang napasuka siya ng dugo at namatay na.
Tumawa naman ang babae at bigla na lang naglaho na para bang bula .
Sa kabila namang banda si Lance naman ay dumeresto sa may bar dahil paguwi niya ng bahay ay nagtalo sila ng kanyang ama dahil suwail na anak si Lance habang siya ay nainom ay may lumapit na babae sa kanya dahil mahilig sa babae si Lance kinaladkad niya ang babae hindi na nya tinignan ang mukha ng babae basta na lang niya ito dinala sa motel malapit sa bar dahil malandi ang babae nagpadala naman siya kay Lance nakakuha agad sila ng kwarto na isang kama lang at may salamin sa may pader, soundproof din pati ang cr dahil galing siya sa school sinabi niya sa babae na maliligo muna siya habang naliligo si Lance biglang nawalan ng tulo at namatay ang ilaw pero nabuhay din agad habang si Lance ay naliligo humiga muna ang babae sa kama at nagtaklob ng kumot dahil may naisip siya.
May naririnig na siyang naglalakad at bigla siyang hinawakan sa may paa kilig na kilig naman ang babae lumapit siya sa may hawak sa kanya pero bigla siyang napasigaw hindi siya narinig ni Lance kasi sa soundproof ang kwarto umaatras siya na sumisigaw parin pero nawala na parang bula ang multo palinga linga ang babae ng nakita niya nawala na napabuntong hininga siya pero bigla siyang nakaladkad hawak nung babae ang kaniyang paa nakataas ang kanyang paa at nalibot niya ang buong kwarto ng mabilis bigla siyang lumutang at nagroll ang kanyang katawan nagsibalian ang kanyang mga buto sinabit siya sa may pader na nakatiwarik sa sulok sulokan.
Si Lance naman ay lumabas na sa cr may nakita siya sa may kama kaya lumapit siya hinawakan niya ang paa nito pumasok siya sa kumot at gumapang siya papalapit hanggang umabot sa dulo pero nawala na parang bula kaya lumuhod siya sa may kama napaatras siya dahil nakita niya sa salamin sa may sulok ng kwarto yung babae na nakatiwarik at bali bali ang buto habang tinitignan niya sa salamin biglang sumabog ang salamin at tumama sa kanyang mukha ang bubog napahiga siya sa may kama na umuubo ng dugo dahil may malaking bubog ang tumama sa kanyang dibdib bigla naman may pumatong sa kanya na babae tawa ng tawa lumapit pa ang mukha ng babae sa mukha ni Lance hinawakan din nya ang dibdib ni Lance tulad ng pagkakahawak niya sa dibdib ni Nathan at bigla niya nalang pinasok ang kamay sa loob ng dibdib at hinugot ang puso nito sumuka naman si Lance ng maraming dugo at nalagutan na ng hininga biglang tumawa ng malakas ang babae at naglaho na parang bula.
Kinabukasan na balita sa school ang nangyari sa dalawa kung gaano kabrutal ang pagkamatay nila natakot ang tatlo dahil naalala nila ang ginawa nila kay Juliana.
Tapos na ang klase pumunta si Shimeah sa cr habang sya'y na sa cr nagsasalamin biglang patay buhay ang ilaw napatigil siya napatingin siya sa salamin may babae ang palapit sa kanya tumalikod siya pero wala, nung tumingin siya sa salamin nakalabas ang kamay ng babae galing sa salamin at sinakal siya nito lumabas sa salamin ang babae napaangat si Shimeah sa sobrang lakas ng babae hinagis siya sa may salamin at nabasag ang salamin nagtuloy tuloy siya. Nalaglag siya sa sahig na puro bubog ang kanyang mukha gumagapang siya papunta sa may pinto hindi pa siya nakaka lapit doon ng lumutang siya bigla at biglang nagbukas ang lahat ng cubicle sinubsob siya sa inidoro pero sa pinakadulong inidoro ay siniksik siya dun at dun na sya nalagutan ng hininga pero tinanggal ulit siya ng babae bago maglaho na parang bula ang babae kinuha niya muna ang puso nito.
Samantala si Kent naman ay naka uwi na wala siyang kasama sa kanyang bahay nagpapatugtog siya pero biglang nagcrack yung music kaya napamulat siya at may narinig siya sa music na boses ng isang babae ang sinasabi ay "Handa ka na ba? Hahahaha mag ready ka na ikaw na ang susunod ko hahahahaha" sa sobrang takot nya naihagis niya ang kanyang cellphone at humiga na nakapikit biglang may tumulo na kung ano sa kanya kaya napamulat sya nagulat siya dahil may babae ang nakadikit sa may kisame at biglang sumabog ang salamin malapit sa kanyang paa tumayo siya kahit may mga bubog ang kanyang paa palabas malapit siya sa may hagdan sumisigaw siya ng tulong pero walang nakakarinig sa kanya.
Papunta na sa kanya ang babae atras siya ng atras ng nasa dulo na siya malapit sa may hagdan nawala na parang bula ang babae lingid sa kanyang kaalamanan tapos na ang lahat pero biglang sumulpot sa kanyang harapan ang babae sa sobrang gulat niya nalaglag siya mula sa second floor hanggang first floor biglang bumukas ang pinto at niluwa noon si Caryl humingi ng tulong si Kent lalapitan na sana siya ni Caryl ngunit biglang bumagsak ang chandelier napaupo naman siya pero bumangon ulit dahil may babaeng papalapit sa kanila ni Kent tumakbo siya palabas samantala ang babae naman ay lumapit kay Kent at inihagis niya ang chandelier na nakadagan kay Kent, kinuha nya ang puso nito at naglaho na parang bula
Samantala si Caryl naman ay humingi ng tulong sa kapitbahay nila at sa mga pulis na karating naman agad ang mga pulis kinabukasan nagsabi siya sa magulang niya na kailangan na nilang lumipat dahil lahat ng kaibigan niya ay namamatay at ayaw niya pang mamatay.
Na alarma naman ang kanyang mga magulang kaya nagpabook agad sila papunta sa amerika at dun na manirahan. Nasa airport na sila na kaupo hinihintay na tawagin ang kanilang flight habang sila ay ay nakaupo tinawag na ang kanilang flight pero iba ang narinig ni Caryl
"Umalis ka man rito susundan parin kita hanggang hindi ka pa namamatay bwahahahaha maghanda ka na malapit na ang oras mo Hahahaha hindi pa tapos ang lahat magsasama pa kayong magkakaibigan" tumakbo naman palabas si Caryl sa sobrang takot may naka bunggo siya tinignan niya ito pero na paatras siya dahil ito yung babae na nakita na sa bahay ni Kent tumayo siya tumakbo palabas .Takbo lang sya ng takbo hanggang patawid na siya pero na bunggo siya ng truck nagkalasog lasog ang kanyang katawan samantala tawa lang ng tawa ang babae "Bwahahahahaha kapalaran mo na talagang mamatay ngayon hahahaha ang ganda pa naman ng gagawin ko sayo Hahahaha"
"Nak tigil mo na to marami ka ng napatay pwede naman tayong lumipat ulit at mabuhay ka Bat kailangan mo pang pumatay hindi naman kita pinalaki na gumanti at pumatay please lang anak tigil mo na to maawa ka naman sa pamilya ng pinapatay mo" sabi ng matandang babae sa likod niya habang naiyak "Ma sorry sorry promise ko sayo magbabago na ko hindi na ko papatay please Mama patawarin niyo ako kung ako'y nagkakaganito" sabi ni Juliana habang naiyak. Niyakap naman siya ng kanyang ina nabigla sya dahil un palang ang kauna unahang pagyakap sa kanya ng kanyang ina napahagulgol nmn siya dahil ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng isang ina na hindi niya naranasan dahil sa pagkakaiba nila sa mga taong nakapaligid sa kanila magmula noon hindi na sya pumatay ng mga tao lahat ng umaaway sa kanya ay dinadaan niya sa magandang usapan na nagkakasundo sila kahit iba sila sa pangkaraniwang tao.
Hindi sa lahat ng oras kailangang idaan ang usapan sa init ng ulo. Bago mo kausapin o harapin yung taong nagkaron ng kasalanan siya ihinahon mo muna ang sarili mo dahil kung hindi mo ito maggagawa maaraming meron kang maggawang mali. Ang mga ginagawa ay parang chess lang kailangan mong pagisipan kung tama ba ito o mali :) dahil sa isang pagkakamali mo malay mo mabago ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon