Introduction

2 0 0
                                    

Si Ana ay naninirahan sa isang malayong probinsiya. Kung ihahambing sa ibang babae, masasabing siya ay mas simple, seryoso at higit sa lahat napakataas ng kanyang pangarap sa buhay.

Pinagpala man siya sa panlabas at panloob na anyo ngunit mayroon parin siyang dinaramdam at iyon ay ang kanyang sakit. Siyam na taong gulang pa lamang siya nang malaman niya na may Leukemia siya at ito ay nasa 3rd stage na.

Nahihirapan man ngunit hindi nawawalan ng pag-asa si Ana sa buhay. Araw-araw siyang nanalangin sa Diyos na sana bago daw siya kunin ay makilala muna niya ang lalaking magpapatibok ng kaniyang puso.

Ang tahimik niyang mundo ay nagbago mula nang lumipat sila ng bahay sa Batangas upang doon na manirahan.

Nakilala niya sa lugar na iyon ang isang lalaking nagngangalang Andrei. Si Andrei ay kabaligtaran ng ugali ni Ana. Wala itong pangarap sa buhay. Ang nais lang niyang gawin ay maglaro ng basketball at magDOTA. Hindi niya ginagawang seryoso ang mga bagay sa mundo. Para sa kanya, lahat ng bagay sa mundo ay nawawala. Gayunpaman, siya ay marunong magpahalaga sa kaniyang mga kaibigan saka maaasahan siya sa kapag kailangan. Sa maikling panahon na nakilala nina Andrei at Ana ang isa't isa ay naging matalik na agad silang magkaibigan.

Halimbawa, nasasabihan ni Ana ng mga problema si Andrei at ganun din naman ang lalaki sa dalaga.

Magkagayunman, hindi sinasabi ni Ana kay Andrei ang tungkol sa kaniyang sakit. Sa ipinapakitang kabaitan ng binata kay Ana, unti-unti na itong nahuhulog ang loob sa binata. Kasabay nito ang pagtatakda ng doktor na hanggang dalawang taon na lamang ang itatagal ng kaniyang buhay. Natatakot man para sa kanyang buhay pero tinatagan parin niya ang kanyang loob.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mananatili HabambuhayWhere stories live. Discover now