Chapter Forty-Eight- The Curse of First Love

1.3K 65 44
                                    

Chapter Forty-Eight

The Curse of First Love


PINIPILIT niya na iwasan at tanggihan ang mga paanyaya ni Bessy na gumala kasama ng fiancé nito. Marami siyang dinadahilan huwag lang makasama. Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa kaibigan pero aminado siyang naroon pa rin ang guilt. Hindi siya sigurado kung ano ang nangyayari sa kanya kaya habang hindi siya sigurado, kailangan na niya iyong mapigilan. Mas makabubuting hindi sila magkita o magkasama ni Julian. During the weekend, nang yayain siya ni Bessy ulit sa bahay nito, sinabi niyang uuwi siya sa Tierra del Cielo. Wala itong nagawa.

"Hermana!" nag-uunahang sigaw ng mga kapatid niyang sina Elisha at Elijah nang umuwi siya kasama sina Eli at Zee. Pinagyayakap niya ang mga ito. Pati sina Eli at Zee ay niyakap ng mga bata. Si F na nahuhuli ay agad na nagpakarga kay Zee.

"Kumusta ang batang masungit?" natatawa niyang tanong saka pinugpog ng halik ang pisngi ni F. As usual, sumigaw ito at pinahid ang pisngi nitong hinalikan niya. Mas lalo lang niyang pinanggigilan ang mukha ng bunsong kapatid hanggang sa umiyak ito. "Napaka-unfair ng batang ito," kunwari ay reklamo niya saka akmang hahalik pero sumigaw nang malakas si F sabay yakap sa leeg ni Zee.

"Wag mo ng pilitin si F. Lalapitan ka rin niyan kapag 'di na niya nakikita si Zee," sabi ni Eli sa kanya. Natigilan siya. Si Julian kasi ang biglang pumasok sa kanyang isipan. Lalapitan kaya siya nito kapag wala na si Bessy? Umiling-iling siya. Anong klase siyang kaibigan?

Sa araw na iyon, tinulungan niya ang mama niya sa paghahanda ng mga pagkain. They ate lunch together and during the siesta time, instead of getting rest, they had their usual music session in the music room. As usual, she and Eli sang their duets while their father played the piano. Ito ang pinakanami-miss niya nang husto sa pamilya niya. Ang bonding time nila ay kantahan. Even for a brief period of time ay nalimutan niya ang kanyang mga alalahanin.

Nang gumabi, habang pinapatulog ng mama nila si F, siya at ang ibang mga kapatid niya kasama ang kanilang papa ay nagpunta sa prayer room.

"Children, mag-share kayo ng isang bagay na pinasasalamatan niyo sa araw na ito at isang prayer concern," sabi ng papa nila. Nagtaas ng kamay si Elijah. "Yes, Lijah?"

"Papa, nagpapasalamat po ako na nawalan po ako ng ngipin," sabi nito saka ngumisi. Elijah lost one front tooth. Pigil ang tawa nilang nakakatandang kapatid. "Prayer ko naman po na mapalitan na ang ngipin ko."

"Naku, mahaba-habang dasal ang kailangan natin diyan," kahighik ni Eli.

"How about you, Elisha?"

"Nagpapasalamat po ako kay God kasi umuwi sina Hermana at Hermano," sagot ng bata. Napangiti sila sa sinabi nito. "Dasal ko po na parati tayong masaya."

Sumunod ay si Zee. "I'm thankful for the safe travel and the bonding today. I pray that Papa and Mama will always be in good health."

"I thank God for Papa and Mama, lalo na sa masarap na luto ni Mama," sabi naman ni Eli. "My prayer is that makapasa ako sa mga tests ko at mag-enjoy kami ni Zee bukas sa pamamasyal namin kasama si Carlitos."

"Madaya kayo," nakasimangot niyang sabi.

"All boys day-out 'yon, Hermana. 'Di ka pwedeng sumama."

"Tama na 'yang tuksuhan," mahinahong sabi ng papa nila. "Your turn, Muñeca."

"I thank God dahil nakauwi ako ngayong weekend," aniya. "I pray that you don't have to go someday," she said as she looked at their dad. Aalis kasi ito after two days. Babalik ito ng London dahil sa trabaho nito.

Symphonian Curse 9: Queen DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon