Unedited! Enjoy!
------
Seconds. Minutes. Hours. Days. Everything happened so fast. But it doesn't mean that things change. Because my life is still the same as my heart too. I always longing for him, misses him every seconds of everyday. I left but my heart stuck to the place where I belong. In his heart.
"Kuya Juan, mag kwento pa po kayo ng iba."
"Yung iba naman po, kuya, kundi ikwento nyo yung story ng buhay niyo."
Ang pangungulit ng mga bata. Isang buwan na ako dito. Isang buwan na akong tumutulong sa mga madre na mag-alaga sa mga batang 'to. Isang buwan na nila akong nakasama sa Orphanage. At isang buwan ko naring hindi nakikita si Silk.
Alam ko, hinahanap niya ako. Pero paano niya ba makikita yung taong ayaw magpakita?
Sa mga araw na inilagi ko dito, sa mga araw na nagdaan na hindi ko siya nakikita. Isa lang ang napatunayan ko sa sarili ko, sobrang mahal ko nga talaga siya para tiisin ang pangungulila ko sa kanya. Para tiisin ang ganitong klaseng sakit para sa kapakanan niya, para sa pamilya niya.
Napatingin ako sa silver na singsing na nasa ring finger ko. Napangiti ako.
Silk.. Sweetheart, namimiss na kita. Sobra-sobrang miss na kita. Alam ko, di mo pa ako naiintindihan sa ngayon pero alam ko, balang araw matatanggap din natin na hindi talaga tayo ang inilaan para sa isa't isa.
Silk, nakahanap ako ng bagong pamilya. Mga batang walang mga magulang na tulad ko at dito sa orphanage, nagsama-sama sila at nakabuo ng isang masaya at malaking pamilya. 'wag kang mag-alala sweet heart, okay lang ako. Okay lang ako..
"Kuya Juan, umiiyak ka ba?"
Ang nagtatakang tanong ni Eros, ang pinaka-matanda sa mga batang nandito. Itinuturing na Kuya ng lahat. Responsable at matalinong bata.
Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Napuwing lang ako. Ano nga ulit yung mga sinabi niyo?" Ang nakangiti kong tanong sa kanila.
"Mag kwento ka pa po ng iba, pa ulit-ulit nalang kasi yang Sleeping beauty mo kuya"
Napatawa ako. Halos gabi-gabi kong nakwe-kwento sa kanila ang Sleeping Beauty. Wala na kasi akong iba pang alam na mga pambatang kwento.
"Yung buhay nalang po ninyo. Siguro, isa ka po sa mga prince charming."
Prince Charming?
Hindi. Pero kung naging babae ako, baka ako si Cinderella.
Cinderella, at si Silk yung Prinsepe ko. Nakakatawa dahil lalaki kaming pareho.
"May iku-kwento ako. Ang buhay ni Cinderella."
Ikinu-wento ko sa kanila ang buhay ko. Ang buhay ko bago ko nakilala si Silk at ang buhay ko ng dumating siya sa buhay ko.
----
"Sweetheart, I love you. Im waiting for you. I'll always there for you. And if you want to cry, I am here to dry your eyes. You may not see me again but I promise, I will always be there right by your side"
Ang nakangiti niyang sabi. Ngunit ba't napakalungkot ng kanyang mga mata? Ba't ng hawakan ko yung mukha niya ay hindi ko mahawakan.
Ba't di ko siya mahawakan?
Ba't di ko siya maramdaman?