Cycle 4
#strangedream
"Hoy panget! Asan ka galing?" sabi ng isang batang babae sa kanyang kalaro.
"Namitas lang ako ng kalahi mo! Miss mo na ako agad?" sabay siksik ng lalaki sa sarili niya sa upuan.
Umalis naman ang batang babae kaya nahulog ang batang lalaki.
"ha ha ha ha ha. Oy! Panget, tampo ka?" habang sinisilip ng batang babae ang mukha ng batang lalaki, hindi naman nito maiwasang kiligin.
Humarap ang batang lalaki sabay ngiti. Napaka cute niya lalo na at kitang-kita pa ang dimples nito sa kaliwang bahagi ng pisngi niya.
"Bulaklak oh!" sabay abot ng isang rose.
"Rose? Di ba sabi ko tulip at sunflower ang paborito kong bulaklak?" sumandal ang batang babae sa punong malapit sa kanila. Kumunot naman ang noo ng batang lalaki.
"Hoy bulaklak! Ang hirap kaya maghanap ng ganung bulaklak! Tsaka kapangalan mo naman to eh, kaya dapat magustuhan mo" pinakita niya yung rosas na pinitas niya kanina lang.
"Gusto ko naman eh, kaso--"
"Ngayon lang ako nakakilala ng taong ayaw sa bulaklak na kapangalan niya"
*sigh*
"Akin na nga, kaya ka pumapanget eh kasi parati ka nakasimangot at nakakunot ang noo kapag tinatanggihan ko yung binibigay mong bulaklak" kinuha ng batang babae ang rosas, muntik pa nga itong masugatan dahil sa tinik buti napansin niya ito agad.
Lumapit ang batang babae at hinalikan ang kaibigan sa pisngi.
"Ayan! Nakangiti ka na, namula ka pa! Ha ha ha!"
Totoo nga, napangiti nito ang batang lalaki at dahil sa kilig namula eto.
Niyakap ng batang lalaki ang kaibigan,
"Basta hanggang paglaki bestfriends tayo ah! Walang iwanan. Ikaw ang nagiisang bulaklak ko at ako lang ang panget mo. Kasi kahit mas madami pang bulaklak sa paligid, hindi ko yun pipitasin kasi gusto ko ikaw lang." mas hinigpitan pa nito ang yakap niya.
"Oo naman panget! Ikaw lang ang panget ko. Walang iwanan." kumalas sa yakap ang batang babae saka ngumiti.
"Magkaibigan panghabangbuhay. Nangangakong walang iwanan." sabay nilang sabi
"Ako ang bulaklak niya"
"At ako ang nagiisang panget niya"
"Pangakong magtatagal. Magkaibigan ngayon at kailanman."
Ito ang pangakong parati nilang binabanggit. Kasabay nito ay ang paglubog ng araw.
Primrose POV
Nagising ako mula sa isang panaginip. HIndi malinaw kung sino yung nasa panaginip ko, ang malinaw lang ay ang kwintas na suot ng batang lalaki. Isa itong shell na may nakasulat na "CC"
Sino 'yun?
Calvin's POV
Parati ko nalang itong napapanaginipan. Dahil rin siguro ito ang huli naming pagkikita.
Miss na kita bulaklak. Yung pangakong 'yun kahit kelan hindi ko pinutol.
Balang araw, maaalala mo rin ako bulaklak.
- - - - - - -
Sorry kung natagalan ng updated sorry po talaga. Hindi ko kasi ito masingit. Tapos nasira pa ang tab, dun kasi ako nag-u-update eh. SOrry talaga.
HAPPY NEW YEAR PO!!! HEHE Have a Blessed and Wonderful 2014. . .
@angPRINCESSaMO follow me on twitter, follow back ko kayo :)
Keep reading po. Vote. Comment.
Negative comments are also accepted here.
BINABASA MO ANG
Love Cycle (The Game Of Love)
FanfictionA/N: Ni-revise ko po yung story kasi nahihirapan akong gumawa ng chapters kasi walang plot. Sa mga readers na naka basa nito nung "MSMMP" pa and title, please continue reading and supporting my story. Pwede rin kayong magpade-dicate if you want. PM...