Sa isang sikat at pribadong paaralan napiling lumipat ni Krystal. Kailangan niyang lumipat ng pa-aralan upang matakasan ang kahihiyan na naidulot sa kaniya ng kaniyang mga magulang sa kaniyang dating paaralan.
Dahil sa lubos na kahihiyan na kaniyang dinanas ay nag sikap siyang taasan ang kaniyang grado sa kaniyang paaralan para maka pasok at matanggap siya sa isa sa mga sikat na Universidad dito sa bansa, Ito ang kaniyang paraan para matakasan ang lahat ng pang-aapi,pang-aasar at higit sa lahat ay kahihiyan.
Flashback
Huling taon na ni Krystal bilang junior high school sa Perpetual ngunit ni isang beses ay hindi nakita ng kaniyang mga kaklase ang kaniyang mga magulang sa kahit anong okasyon o aktibidad sa kanilang paaralan kaya tampulan siya ng tukso.
Halimbawa nalamang ng kuhaan ng card ngunit ang kaniyang magulang lang ang wala kaya sa kaniyang card lamang ang naiwan sa kaniyang punong guro, at nung inanunsyo ng guro na sya lang ang hindi sumipot ang magulang ay tila wala namang pake ang kaniyang mga kamag aral.
Ngunit lumipas ang halos apat na taon at malapit na silang mag completion tila ganon parin ang eksena tuwing kuhaan ng card kaya naman inaasar siya ng mga kaklase niya na "Hindi ka mahal ng magulang mo" "Hahahaha kawawa ka naman dapat tinapon ka nalang nila nung baby kapa" "Siguro ampon ka Hahahaha".
At doon nag simula ang kahihiyan at panliliit sa kaniyang sarili at ngayon namang nakapasa siya sa Universidad akala niya ay tapos na ang kalbaryo sa kaniyang buhay bilang isang mag-aaral ngunit ito palamang pala ang simula nang lahat.
BINABASA MO ANG
Untold Feeling
Teen FictionPrologue Ganito ba talaga dapat pag nag mamahal ? Yung tipong papasayahin ka saglit pero matindi rin yung sakit na nararamdaman mo ? Bat kasi nag mamahal pa tayo kung alam naman natin sa Simula palang eii masasaktan na tayo ? How ironic right ? P...