"PAG IBIG, KAPANTAY AY LANGIT"

1K 1 2
                                    

          Ang pagmamahal kapantay nito ay langit, bihira nalang ang mga taong nagmamahal ng totoo sa kanilang mga kapareho at kapareha. Narito ang isang kwento ng pag ibig na wagas para sa kanyang minamahal.

         May isang binatang lalaki na seryoso magmahal at halos lahat ginagawa niya para sa kanyang iniibig. Sa paaralan nagkakilala sina Fernando at Maria, magkatabi lang sila ng silid aralan. Nagkaroon ng proyekto si Fernando tungkol sa pagnenegosyo. Habang nagbebenta si fernando ng kaniyang mga produkto dito niya nakilala si maria. Noong una nakikipagbiruan lamang siFernando kay MAria, habang tumatagal na nagkakakilala sila nahuhulog na ang luob ng binata sa dalaga. Isang beses pinag tangkaang ligawan ni fernando si Maria, noong una akala ni Fernando na wala siyang pag asa sa dalaga ngunit nagkamali ito dahil meron din palang gusto sakanya si Maria, at dahil dun tinuloy tuloy na ni Fernando ang panliligaw sa dalaga, habang tumatagal ay mas nagiging malapit sila sa isat isa kaya nagulat nalamang si Fernando ng sabihin ni Maria na "OO sinasagot nakita" sobrang kagalakan ang nadarama ni Fernando dahil sinagot na siya ng babaing kanyang matagal ng iniibig. Araw araw pagkatapos ng klase ay nagkikita sila nito lagi silang magkasama,  hindi na iniisip ni Fernando na masyado pa silang bata na baka pag nag seryoso siya sa babaing iyon ay baka masaktan lamang siya at dahil sa pagmamahal niyang iyon ay nahulog na ng husto ang loob nito kay Maria.

        Isang araw habang magkasama si Maria at Fernando ay kapansin pansin na mayroong bumabagabag sa loob ni Maria tiananong ito ni Fernando at kinausap ng masinsinan kung ano ba ang gumugulo sa isip nito, noong una ayaw itong sagutin ni Maria pero kapansin pansin talaga na may problema kaya pinilit ni Fernado na alamin ito. Hindi nagtagal ay sinabi nadin ni Maria ang dahilan kung bakit ganon ang nangyayari. Ayoko mag lihim sayo Fernando at ayoko ng masaktan kapa, sa mga oras na kasama kita lagi akong pinapasaya mo kulang nalang ibigay mona pati ang buhay mo para lang saakin Mahal na Mahal kita Feranando patawad :C yung dati kong ex boy friend hanggang ngayon kami parin sorry :c ang sabi ni Maria. Parang gumuho ang buong mundo ni Fernando noong nalaman niya iyon sobrang sakin ng nalaman niya na ligid sa kanya mayroong pang ibang lalaki si Maria. Maraming araw ang lumipas sinusubukan ng kalimutan ni Fernando si Maria at dahil doon napag isip isip niyang hindi na ito kausapin pa..Lumipas ang ilang linggo ay nagkasalubong si Fernando at Maria kinausap ni Maria si Fernando at sinabing pinag sisisihan niya na pinakawalan niya si Feranando sinabi paniya kay Fernando na mahal parin kita . Nangibabaw padin ang pagmamahal nito sa dalaga, kahit alam nito na mali ang ginawa ni maria at maaaring maulit parin ang nangyaring iyon inisip nalang niya na ang diyos nga nakakapagpatawad siya pa kaya na tao lamang. Naging sila ulit ni Maria at nangako ito na hindi na niya ito muling lolokohin. Matapos ang pangyayaring iyon nagkaayos na muli ang dalawa at kinalimutan na ng binata ang mga nangyari at ipinaramdam muli nito ang wagas niyang pag ibig sa dalaga.Si Maria ang naging pinakamatagal na kasintahan ni Fernando. Maraming pagsubok ang dumaraan sa magkasintahan narito na ang dating kasintahan ni Maria na si Jan na naging sanhi ng kanilang dating paghihiwalay. si Jan kasi yung tipo ng lalaking na gagawin ang lahat kahit makasira na ito ng relasyon para makuha lang ang gusto niya.Habang tumatagal si Fernando at Maria  naguguluhan nanaman ang binata sa nangyayari waring napapalapit nanaman ang loob ni Maria kay Jan. Sinisiraan ni Jan si Fernando kay Maria para makuha si Maria muli, nagkaroon nanaman ng problema bumabagabag nanaman sa isip ito ng dalaga pati nadin sa binata  tinanong muli ng binata kung ano ang problema ayaw itong sagutin ni Maria  ang lagi lang nitong sagot ay "ewan at basta" nang dahil dun nakaramdam ng kaba si Fernando na baka niloloko nanaman siya ni Maria ngunit isinantabi niya ito at patuloy na nagtiwala kay Maria alang alang sa kanilang relasyon.

        Dumating nanaman ang isa pang pagsubok sa kanilang pagsasama at si Jan nanaman ang dahilan, gulong gulo nadaw ang dalaga ang sabi niya kay Fernando ngunit hindi niya sinabi ang dahilan. Nagulat nalang si Fernando ng biglang nakipag cool off si Maria hiningan ni Fernando ng rason si Maria ngunit wala itong masabi, tinawagan ni Fernando si Maria at pilit inaalam ang nangyayari pero hindi parin ito sinasabi ni Maria ,gulong gulo na ang binata dahil wala naman itong ginagawang masama at mali sa dalaga . Tinanong niya kung si Jan ba ang dahilan hindi makasagot ang dalaga dahil  ito nga ang dahilan. Sobrang nasaktan nanaman ang binata dahil sa nangyayari pilit niyang iniintindi si Maria ngunit sobra na kaya nakipag hiwalay nalamang ito sa dalaga para wala ng mahirapan at masaktan pa, kahit mahirap sa binatang pakawalan ang kaniyang pinakaiingat ingatan ngunit wala na itong magagawa dahil  sobra na ang pagtataksil na ginawa ni Maria.

     ****Minsan kaylangan nating i give up ang isang bagay hindi dahil hindi mo naito mahal kundi dahil sa sobra ka nang nasasaktan.. TANDAAN..mas masarap mag magmahal kung tapat sayo ang iyong minamahal at alam mung ikaw lang ang mahal niya wala ng iba pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"PAG IBIG, KAPANTAY AY LANGIT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon