Chapter 39

1.4K 30 0
                                    


Mike pov!

"Mike wait! What the hell is your problem?"

"You! Pwede bang huwag mo na akong sundan?" pinagbuksan ako ng guard at sumunod naman siya. Balak ko sanang sundan si Lory kanina pero buntot naman ng buntot ang Trisha na to.

"Ako pa ang mali? Dapat nga magpasalamat ka pa dahil tinutulungan kita para hindi ka na guluhin ng malanding-.."

"Shut up! Huwag mong tatawagin ng ganon si Lory. Naiintindihan mo! Baka nakakalimutan mo kung sino ang mahal ko! Ito ang sasabihin ko sayo wala kang karapatan na saktan si Lory at kapag inulit mo pa ang gingawa mo sa kanya hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sayo! Umuwi ka na!"

"I won't!"

"Manong!" tawag ko sa guard na agad namang lumapit.

"Bakit po sir?"

"Paalisin no na siya!"

"You can't do this to me! Subukan mo lang!"

"Ginagawa ko na nga di ba? Bakit ano ang gagawin mo?"

"I will tell them that-.."

"What? Gusto ko lang ipaalala sayo na lahat ng tungkol satin ay isang kalokohan lang at kung ibubunyag mo yun sa mga tao go on I don't care kasi ikaw na mismo ang magpapahiya sa sarili mo dahil malalaman nila kung sino talaga ang nakikisawsaw sa relasyon namin ni Lory at alam na alam mo kung sino sainyo ni Lory yun. Gusto mo ako pa ang magsasabi sa kanila ng tungkol dun tingnan lang natin kung saan ka pupulutin kaya huwag mong sagarin ang pasensiya ko! Naiintindihan mo?" tiningnan ko siya ng matalim at iniwan siya. "Itapon mo na yan sa labas."

"HOW DARE YOU! MIKE TALK TO ME! HINDI AKO AALIS DITO HANGGA'T HINDI MO AKO KINAKAUSAP! ANO BA! BITIWAN MO NGA AKO! MIKE LUMABAS KA DYAN! KAUSAPIN MO AKO" alam ko naman na hindi siya aalis dito kaya habang pilit siyang pinapaalis ni manong tinawagan ko pagkapasok ko sa loob ang kaibigan kong taga media.

"Gusto mo ng magandang ibabalita? Pumunta ka sa bahay ko."

Sinilip ko si Trisha na nasa labas ng gate habang nagwawala at sigurado ako mamaya kusa rin siyang aalis kapag dumating na ang kaibigan ko.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng dalawang bote ng alak na tanging makakatulong sakin ngayon at umakyat na ako sa kwarto ko. Tumambad kaagad sakin ang picture na nakasabit sa dingding ng kwarto ko at sa isang iglap ang inis na nararamdaman ko para kay Trisha ay napalitan ng galit para sa sarili ko.

Binuksan ko ang isang bote at tinungga ko ito para dun mabuhos ang galit ko pero hindi ko makakalimutan ang sakit na naidulot ko sa babaeng pinakamamahal ko at rumirehistro ang kanyang mukha na umiiyak ng dahil sakin.

"AHHHHHH!" buong lakas kong ihinagis ang boteng hawak ko at binalibag ang lahat ng gamit na nakita ko. Naaalala ko ang mga sinabi sakin ng lalaki kanina na nagtanggol kay Lory na dapat ako ang gumawa at lahat ng sinabi niya sakin lahat ng yun ay totoo. Tama siya isa akong tanga! "Ang tanga ko! ANG TANGA.TANGA KO! ISA AKONG MALAKING TANGA! Wala akong kwentang lalaki! AHHHH!" kahit siguro naitapon ko na ang lahat ng gamit ko dito sa kwarto ko hindi pa rin mababawasan ang galit at pagkamunghi ko sa sarili ko. Napaupo na lang ako sa gilid ng kama ko at napasabunot sa buhok ko.

"Mike? Mike buksan mo itong pinto. Ano bang nangyayari sayo?" nagkakagulo na ang mga kasama ko sa bahay at si Manong ang naririnig ko kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto. "Ako ng bahala dito. Magpahinga na kayo." sumara ang pinto at palapit ang yabag ni Manong at umupo sa tabi ko. "Ano ba ang problema?"

"Wala akong kwentang lalaki! Napakagago ko!"

"Anong nangyari? Nagkita ba kayo ni Lory?" hindi ako sumagot. Yumuko ako at sinusubukan kong pigilan ang mga luha ko pero hindi ko na napigilan pa.

"Bakit sa dinami.rami ng tao sa buong mundo ako pa? Bakit sa dami ng masasamang tao ako pa ang nagkasakit? Bakit sa lahat ng mga manlolokong lalaki sakin pa nangyari ito? Minsan hindi ko na maintindihan ang Diyos." tinapik.tapik niya ang balikat ko.

"Hindi ko sinasabi na wala kang karapatan na tanungin ang Diyos tungkol dyan at magduda pero kung ano man ang nangyayari sainyo ngayon ni Lory alam ko na may plano ang Diyos para sainyong dalawa."

"Na ano? Pareho na kaming nahihirapan ni Lory at ang masakit pa ako mismo ang nananakit sa kanya."

"Bakit hindi mo kasi ipagtapat sa kanya ang tungkol sa kalagayan mo?" napailing.iling ako at tiningnan ko siya.

"Hindi, ayokong malaman niya ang tungkol dun at kung gagawin ko yun wala na rin namang silbi dahil huli na ang lahat at tama na na ako lang ang nasasaktan."

"Paano naging huli ang lahat? Alam mo Mike masyado kang makasarili at kung sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan nagkakamali ka dahil mas doble ang nararamdamn niyang sakit kaysa sayo dahil ikaw alam mo sa sarili mo kung bakit ka lumalayo kay Lory pero si Lory ba alam niya ba kung bakit ka lumalayo sa kanya? Kung mahal mo siya hindi mo hahayaan na nakabitin lang siya sa kawalan. Maiwan na muna kita para makapag.isip ka. Sana naman bukas makapagdesisyon ka na para sa sarili mo at para sainyong dalawa."

Wala akong nagawa kundi sundan ng tingin si Manong habang palabas ng kwarto ko. Wala akong masabi sa mga sinabi niya sakin. Ngayon ko lang napagtanto na sarili ko lang pala ang iniisip ko hanggang ngayon.

----------------------

Pasensiya na po kayo kung masyadong mabagal ang update busy lang po sa trabaho at sa lovelife ko na palagi na lang hanggang tingin lang. Saklap ng lovelife ni Author.

Maraming salamat po pala sa patuloy na pagbabasa. Thank you so much and advance MERRY CHRISTMAS mga readers.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon