Nang dahil sa Bubble Tea (Hunhan One-shot Fanfiction)

3.1K 106 43
                                    

A/N: Pangatlong type ko na to -______- Pano, yung una hindi nag save. Tas yung pangalawa hindi ulit nag save. Nabawasan tuloy yung kilig :( Huhu. Sorry po. Enjoy!!

-------------------------------------------------------------------------------------------

Isang magandang lalaki na mahilig sa Bubble tea na nag ngangalang Luhan ang dali daling nagpunta sa isang Bubble tea Shop. Nalaman niya kasing ang bagong bukas na shop na ito ay namimigay ng libreng bubble tea tuwing katapusan ng buwan.

Sakto ang pagdating niya. Pano, iisa nalang kasi ang natitira.Tumakbo naman siya papuntang counter at kinuha na ang libreng bubble tea niya ng biglang may humila rito.

Hinila ni Luhan ang bubble tea papunta sakanya at sinabing, “Ako ang nauna dito. Kaya akin to.”

Hindi naman nagpatalo ang isang lalaking matangkad, payat, maputi, blonde ang buhok, at maganda ang jawline na nag ngangalang Sehun. Hinila nito ang inumin at sinabing, "Anong thinathabi mo jan??! Ako ang nauna dito no! Kaya akin ang bubble tea na to! Akin Thiya!!!!!!!"

Napatawa naman si Luhan at sumagot. "Hoy bulol.. Kahit tingnan pa natin sa cctv camera.. Ako ang nauna dito. AKO!"

"Excuthe me?? Anong bulol ang thinathabi mo jan??? Hoy babaita! Kahit tanungin mo pa yang thi ateng bubble tea *sabay turo sa crew* kung thino ang nauna thating dalawa.. Ako ang ithathagot niyan! Ako!! *umiwas ng tingin si ateng buble tea*" -Sehun

"Anong babaita ka jan???!!! HA?!??!?!" -Luhan

"Ay bakit? Lalaki ka ba? *sarcastic* Ay.. Thorry ha.. Kala ko kathi.. BABAE KA! BAKLA!" -Sehun

Habang nagbabangayan ang dalawa.. Hindi na nila namalayang kinuha na ni Kris ang bubble tea sakanilang mga kamay at naiwan nilang hawak hawak ang kamay ng isa't isa.

"Sige mag bangayan pa kayo jan. *sabay higop ng bubble tea* Yung libreng bubble tea nyo? Maybe next time. *evil laugh*" -Kris

"Kris naman eh!!!!!!!!!! *tingin kay Sehun ng masama* Kasalanan mo to eh!!!!!!!" -Luhan

"Aba! At ako pa ang thinithi mo? Eh kung hindi ka kaya dakdak jan ng dakdak kanina pa edi thana di mangyayari to!!!!!" -Sehun

"Tumahimik ka jan! Ang panget mo!!!!!! Bulol!!!!" -Luhan

"Okay lang tawaging panget.. Atleath DI TOTOO! Eh ikaw? Muhkang babae! Iwww.. Tho gayyyy!" -Sehun

"Tingnan mo nga yang sarili mo sa salamin!!!!!! Yung buhok mo, kadiri! Pang bading! Tas yung mata mo.. PARA KANG NAKASHABU!!! Atchaka yang baba mo.. ANG HABAAAAA!!!!!!" -Luhan

Bigla namang napatingin ang bestfriend ni Luhan na si Kris ng marinig ang mga salitang 'baba' at 'haba'.

"Hindi ikaw Kris!!!! Atleast ikaw.. GWAPO! Di tulad ng iba jan. Ang baho ng muhka. Kadiri. Ang panget!" -Luhan

Napaface palm nalang yung crew sa Bubble Tea Shop dahil sa childish na pag-aaway ng dalawa. At dahil nabibingi narin si Kris, inilagay niya na ang walang lamang baso ng Bubble Tea sa kamay ni Sehun at kinaladkad na si Luhan papalabas ng Shop.

Nang dahil sa Bubble Tea (Hunhan One-shot Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon