BALIW (OneShot)

985 13 0
                                    

A/N: Because I'm bored, naisipan kong isulat ang kuwento na 'to. Hango sa sarili kong experience and medyo nilagyan ko na lang ng twist. Salamat sa lahat ng magbabasa. Kung meron man. Hahaha.

///////////

Ako ba? Ako lang ba talaga? Ang alin? Iyong mabilis ma-fall?! Sheteng buhay to. Bakit kasi ganito ang puso ko na 'to! Ang hina ng kapit. Hahaha, parang sanggol lang sa sinapupunan. Joke lang. Hahaha.

Anyways, highway, sky way and subway. Saan ang daan mo? Ako papunta sa puso niya. Joke lang.

Paano ko ba sisimulan? Ganito na lang, let's go back to the start. Hindi 'yang sentence sa taas. 'Yong kuwento namin! Waaah. Omaygaaad! Throwback feelings ito. Mah feels, I kennot. Whuuu! Kalma lang. Okay. Ganito kasi 'yan...

'Medyo oa na.' Hahaha

Alam niyo 'yong ganitong feeling? Iyong wala kang magawa kung hindi mag-scroll lang ng mag-scroll sa harap ng phone mo. Lechugas lang, bakit kasi walang ol sa mga friends at classmates ko?! Sembreak naman ngayon! Walang pasok. Anong pinagkakaabalahan nila? Bahala sila. Nag log-out na lang ako.

Naglalakad-lakad ako sa park ng makakasalubong ko siya. Tumingin ako sa kaliwa, tapos sa kanan. Walang exit route na palayo sa kanya. Kapag sinalo mo naman talaga ang kamalasan, susulitin hanggang dulo. Sinuot ko na lang ang dala kong cap. Baka sakaling hindi niya ako mapansin. Saka may kasama naman siyang babae. Girlfriend niya kaya iyon? Wafakels! Dapat bilhan niya iyon ng helmet. Baka maumpog iwanan siya ng di oras. Bwahahaha!
Nakalagpas ako sa mga ito ng hindi niya ako napapansin. Yes! Success.

"Hoy, babaeng baliw. Ano na naman 'yang gimik mo?"

'Sa liit kong ito, talagang napansin niya pa ako?'

Taeyan! Napansin niya pala ako. May laser ba ang mata niya? Nakita kong sumasabay na ito sa paglalakad ko.

"Hood jacket with matching cap? Pauso mo?"

"Edi gayahin mo. Pakialam mo ba?"

"Ang sakit kasi sa mata ng itsura mo!"

"Edi wag mong tingnan."

Ganito ang routine naming dalawa. Sa tuwing magkikita kami asahan niyo na ang barahan namin sa isa't-isa. Walang oras at araw na nagkasundo kaming dalawa.

Sino siya? Siya lang naman ang mortal kong kaaway sa grupo namin sa school. Pero hindi literal na kaaway, ah. Good girl po ako, promise.

Eh paano naman kasi, sa hindi ko alam na kadahilanan, lagi niya akong trip. Trip asarin, trip barahin. Buti nga hindi pa niya trip na bugbugin eh. Hahaha. Subukan niya lang. Siya ang manghihiram ng mukha sa aso. Kainis nga lang, kasi nabiyayaan siya ng guwapong mukha.

Oo. Guwapo talaga siya. Kaya pati siya gwapong-gwapo sa sarili niyang pagmumukha.

Pasalamat siya sa genes ng mga parents niya. Back to the topic, at ang pinakamalalang trip niya, eh ang tawagin akong "baliw." Hello? Diyosa kaya ako.

"Paano kong hindi titingnan, eh hahara-hara ka sa daanan ko."

"Edi sana gumilid ka."

"Bakit ako ang mag-a-adjust?"

"Aba malay ko sa'yo. Bakit ako ang tinatanong mo?!" Binilisan ko na ang paglalakad. Wala akong balak na patagalin ang pakikipag-usap dito. Baka mahawa pa ako sa ka-abnormalan niya.

"Baliw!" Narinig kong sigaw nito.

Hindi ko na lang siya pinansin. Immune na ako sa salitang 'yan. Sisihin niya ang sarili niya. Hahaha.

O, 'di ba? Dalawa na kaming baliw.

Pasukan na ulit. Habang lumilipas ang araw, hindi pa rin nawawala ang asaran at kontrahan sa pagitan naming dalawa. Napapansin na nga kami ng mga co-members namin. May iba, tinutukso pa kami. Juskooo! Please, wag nilang i-link ang pangalan ko sa mayabang na iyon. Nakakababa ng self-esteem.

BALIW (Can't get you out of my head)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon