Pagkakaibigan nating hindi inaasan,
Pagkakaibigang hindi pa naranasan
Samahan nating walang nakakapaghiwalay, maputol man daw ang tulay
Ngunit pano kung ang pag ibig, bigla ring sumabay?
Kapatid ang turingan
Palagi tayong kampihan
Mapunta man sa biruan,
Kalokohan at kahirapanNgunit pano kung ang pag ibig,
Bigla na lang humadlang?Sa samahan nating muntik, na sanang magtagal
Nagmahal ako
Minahal nya ako
Nagmahal ka
Mahal ka rin nyaMasaya na sana..
Kung hindi lang iisa..
Ating sinisinta, iisang tao palaMapag larong tadhana,
Inaano ba kita. Para paglaruan, aming nararamdamanPareho nya tayong mahal,
Pareho din tayo umaasa
Kung sino ang pipiliin sating dalawa
Kung sino ang mas nangungunaDamdaming hindi mapigilan
Damdaming hindi naiwasan
Dahilan ring katapusanNg matalik nating pagkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Constelasyon ng isipan
PoetryLaman ng aming isipan, Aming bibigyang laman. Mga emosyong hindi napahalagahan Aming gagawan, isang tula ng nasaktan