chapter 7 - First day of school

1.7K 30 2
                                    


Author' section:

Hi guys,,
How's life???
Salamat sa patuloy na pagbabasa. Sana wag kayong magsasawa.... Pls ..
You can follow me if u want. And pls vote  na din... At post ur comments na din sa sinisipag... Para naman sipagin din ang lola nyo....sorry tagal ng ud...bz s kakabalot ng regalo...

Love lots.

*******************★★*************

Pasukan na kinabukasan and  until now ay di parin maka move-on si Lyka sa nangyari sa party nung nakaraang linggo. Ang higit pang pinagtataka niya ay kung bakit lagi niyang naaalala ang lalaking iyon.maging sa panaginip ay binibisita siya nito.

Hindi kaya siya multo, at minumulto lang niya ako?  Minsang natanong niya sa sarili sa sobrang pag iisip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi kaya siya multo, at minumulto lang niya ako?  Minsang natanong niya sa sarili sa sobrang pag iisip. Natawa naman siya sa isiping iyon. Aba wala naman siyang pinatay na tao kaya bakit siya mumultuhin kung sakali ngang multo iyon. Tila mababaliw na si Lyka sa kakaisip kung sino ang lalaking iyon at kung bakit lagi niyong ginugulo ang kanyang isipan.

"Couz let's go. It's your first day in college life." Pasigaw na tawag ni Merly sa pinsan na ngayon ay nagbibihis na.

Firs't day niya sa kolehiyo,, tila naglaro sa isipan niya ang sinabi ng pinsan. Oo nga at excited na siya sa mga darating pang araw at taon niya sa St.  Therese University.  Umpisa na to ng pagtupad ko sa mga pangarap ko. Be good to me St.  Therese... Bulong ng kanyang isip bago tuluyang bumaba para puntahan ang pinsan.

"Wow! andito  na talaga tayo couz."masiglang wika niya sa pinsang si Merly na tila ba di siya narinig at may hinahanap ang mga mata nito. Nang biglang magliwanag ang mukha nito ay sinundan niya ng tingin at di nga siya nagkakamali dahil ang naiisip niyang hinahanap nito ay ang kanyang mga kaibigan. Sina Rachel, Clarisse at Princess na ngayon ay nakangiti habang patungo sa kinaroroonan nila.

Nakaramdam naman siya ng hiya sa sarili. Sapagkat ito ang muling pagkikita nila mula nung may mangyari sa party. Hindi pa nga pala niya naipapaliwanag sa mga ito ang totoong nangyari.

"Hi Merly, hi Lyka."
Masayang bati sa kanila ng tatlo.

"Hi girls" sagot naman ni Merly sabay beso sa mga ito.

Samantalang si Lyka  Ay matipid na ngiti lang ang ginanti sa tatlo.

"Hey Lyka, are you okay? what's wrong?  You look sad. "Tanong ni Princess na tila ba napansin nito ang pananahimik niya.

"Girl's , she's still bothered regarding what happen last week." Si merly na ang sumagot para sa kanya.

"Lyka,  naipaliwanag na ni Merly sa amin kung ano talaga ang nangyari, kaya wala kanang dapat ipag-alala tungkol dun. Besides walang may kasalanan sa nangyari." Mahabang litanya ni Clarisse.

Nakahinga naman ng maluwag si Lyka. Buti nalang at andyan ang pinsan niya, lagi itong nakasuporta sa kanya. Dahil kung wala si Merly, di alam ni Lyka kung paano niya haharapin ang buhay sa siyudad.

"OMG,,, nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Bulalas ni Rachel na tila ba nakakita ng multo. Kaya ng sinundan nila ang mga kamay nitong nakaturo kung saan. Maging sila ay tila ba pare-parehong nakakita ng multo ng ganito kaaga.

"MULTO!! " tanging naibulalas ni Lyka sa pagkabigla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MULTO!! " tanging naibulalas ni Lyka sa pagkabigla. Di rin niya namalayan na yung nasa isip niya ay siyang lumabas sa bibig niya..

"That guy?" Ani Merly

Dahil nga nasa hallway sila nung mga oras na yun ay batid nilang dun din ang tungo  ng lalaking pinag uusapan nila. Kaya naman bago pa sila makita at madaanan nito ay agad na silang umalis sa lugar na iyon.

"Dito rin siya nag aaral?" Tanong ni Merly sa kanila. Pero wala namang may balak sumagot sa tanong niyang iyon dahil pre pareho din nilang hindi alam.

"Maybe, coz if not. Then why he's here?" Sagot ni Princess

Ako naman ay di parin mapakali sa kinatatayuan kahit wala na sa paningin ko ang lalaking gabi gabing nagmumulto sa panaginip ko. Ang buong akala ko pa naman ay di na muling mag kukrus ang landas namin. Ngunit heto siya. Andito sa paaralang papasukan ko. Dito sa St.  Therese.

Nasa classroom na si Lyka para sa first subject niya. Siyempre dahil nga unang araw  ng pasukan at freshmen sila ay di mawawala ang pagpapakilala.
Their professor ask them to  stand up and introduce  themeselves.
At dahil alpabhetical ay agad na tinawag si Lyka.

"Ms. Lyka Dimasikap, stand up"

Ayyttss...si mam naman bat kailangan pang kumpletohin ang pangalan ko.nakakahiya kaya. Reklamo ni Lyka sa isip habang papunta sa harap.

Napansin din niya ang mga kaklase niyang tila pinag uusapan ang pangalan niya...

"Panget naman ng apelido niya.."

"Lazy girl"

"Poor lazy girl"

At nagtawanan ang mga kababaihan ng matapat siya sa upuan ng mga ito...
"Poor lazy girl....ulit niya sa sinabi ng mga ito...

Edi kayo na....kayo na may magandang apelido...humanda  kayo dahil hindi nman lifetime tong apelido ko noh...at kahit dimasikap yan,,masipag nman ako no....

Pagpapakalma niya sa sarili...ewan ba bat ko pinapatulan ang mga pangit na to. E hamak namang mas maganda ako s kanila noh....

Natapos na si Lyka sa pagpapakilala at sumunod naman ang iba...

"Fortunato Gonzales,ur next" wika ng kanilang guro

Napaangat siya ng tingin sa lalaking  dumaan sa gilid niya...

Maliit lang ito,at sa tantiya niya ay hindi kaputian.pero ng makarating sa harap ang lalaki at humarap s kanilang magkakaklase ay tila ba lumuwa ang mata ni Lyka.

Siya? Bat siya andito,ano to???hanggang dito ba naman sisundan niya ako.di pa siya nakuntento gabi gabi ko na nga siyang napapanaginipan hetot narito siya ngaun sa harap ko???

Tila gustong lumubog ni Lyka mula sa pagkakaupo sa sobrang hiya sa sarili.Wala siyang ibang hangad kundi ang matapos na ang sandaling iyon.
.Lalo na ngayon...ngayong nakatingin sa kanya itong Fortunato Gonzales na  ito...

"You can call me nate for short"....

Sa sobrang pagkatulala niya ay di niya narinig ang anomang mga sinabi pa nito maliban dun sa nate nalang daw ang itawag dito.

Di Kita Gusto Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon