Galing po ito sa piniga kong utak. Ang anumag tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari na naisama sa kwento ay pawang koinsidental lang at hindi sinasadya ng manunulat.
Enjoy reading na lang po :D
_______________________________
Nakasakay ako ngayon sa isang bus. Marami ng masyadong tao. Nakatayo na nga ang ibang tao na bagong sakay. Malapit na rin ako sa destinasyon ko, sa school. Tumayo na ako at pupunta na sa harap. Mahirap na at baka hindi na ako makalabas at maipit dito sa gitna. Papara na sana ako ng biglang may sumigaw na babae.
“Ma--ma—MANYAK!!!!!!”
Huh? Manyak? Sinong manyak? Makaalis na nga dito at baka madamay pa ko sa gulo.
“Hoy! Manyak! Yung manyak lalabas na ng bus!” sigaw ng babae.
Teka nga muna.. Ako lang naman ang bababa dito ah. Ako ba sinasabihan niyang manyak?
“Ako po ba ang tinutukoy niyo miss?”
“Oo ikaw nga!! Aba! Ang lakas din ng loob mo eh noh!”
“Ano ba naman yan, kabataan nga naman oh!” sabi ng isang lalake.
“Gugulpihin na ba natin to?!” sabi pa ng isang lalake.
Nababaliw na ba ‘tong mga to??
“Kuya at ate, nagkakamali po ata kayo.. Ba--“ Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may sumingit na lalake sa usapan.
“Babae po yan”. Sabay tumayo siya sa upuan nia at papunta sa’kin. Banda sa labasan ng bus ang upuan niya kaya madali siyang nakalapit sa akin.
“Kaklase ko po yan. Tignan niyo ho, nakapalda.” Dugtong niya.
“Ah ganun ba? Sorry miss ha? Ang tangkad mo kasi para sa isang babae ee… Akala ko talaga lalake ka” sabi nung babae na inakusahan ako na manyak.
“Nako! Ok lang po ‘yon! Sanay na rin ako dahil marami na rin ang nakapagsabi sa akin nan.” Sagot ko sa kanya. Sanay na naman talaga ako ee. Pero, medyo nasaktan ako dun. Mukha na ba talaga akong lalake?
“Sige po, mauna na kami. Baka malate pa kami sa klase.” Sabi ng lalake na kaklase ko daw.
Nga pala, ako po si Liz Barcelona. 4th year high school. Kagaya kanina, napagkamalan akong lalake. Sanay naman ako dun kasi magaslaw ako kumilos at boyish ang aura ko pero ang masakit lang kanina ay napagkamalan akong manyak.
“Liz…. Uy Liz!” sabi ng kasama ko. Di ko talaga matandaan ang isang to. Pero sa totoo lang, di ko rin kilala yung mga kaklase ko ee. Nasasaktan kasi ako kasi puro pang lalaiit ang binibigay nila sa akin.
“Uhmm,… Sino po ba kayo?”
“Hahaha!!! Nakakatawa ka talaga!! Ako to! Si Clarence Benavides! Kaklase mo! Seatmate mo pa!” Binigyan niya ko ng isang ngiti. Yung ngiti na nakakapangtunaw.
“Ah.. Sorry ha.” May seatmate pala ako na gan’to kabait at kafriendly. Meron palang ganitong klase ng tao na may malaaraw kung ngumiti dahil nakakasilaw at hindi siya nanghuhusga sa panlabas na kaanyuan. Naalala ko tuloy sa kanya yung kababata kong si Renz, pinagtatanggol niya kasi ako dati. At inaamin ko na siya yung first love ko.
“Nako ok lang yun….. Pasalamat ka dahil ipinanganak kang cute.” Yung huling mga salita niya ay di masyadong malinaw. Pero narinig ko na sinabihan niya akong cute. Nandito na nga pala kami sa harap ng school.