BULLET'S POV
Oh.My.God. I didn't know ganito karami ang bibisita sa foundation day. I never knew that the school can accomodate this much crowd. What if they will all watch the plays tonight?
This is making me antsy. I've never been this nervous. It's like everytime someone looks at me, they'll notice I will be of the classes who will perform.
Umaga pa lang at kakatapos lang ang prayer ceremony for the success and safety of this year's foundation day. Mahaba haba pa ang araw but it feels like time is running so fast.
Ngayon pa lang ako nagka stage fright. I have to calm myself.
Pero teka nga, why are we hanging out with the three Ungas Council? Not that I have a problem with Daryl though. Pero medyo okay naman si Sean these days na. Pero si Theo? Kumakati pa rin ang paa ko na sipain siya sa mukha.
"So saan tayo?" Tanong ni Sean na laging nasa tabi ni Page. Parang kulangot na di matanggal tanggal sa pagkadikit.
"Kayo dapat tanungin namin niyan. We've been busy since last week, we weren't able to ask you what booths will be up." Sagot ni Page.
"Then shall we head sa pinakamalapit na booth? It's the craft collection exhibit, they're handmade projects ng ibang class athough they also sell those."-Sean
"Parang souvenir shop?" -Kensie
"Yup." -Sean
"Teka, you guys talk to each other?" -Daryl
"Is something wrong? It's natural since Sean is courting Page and he visits us often at home." Sagot ko.
"Kaya pala madalas kang wala sa bahay niyo. Pag makikikain ako sa inyo wala ka." Sabi ni Milo kay Sean.
"Ano ba magchichismisan tayo dito o mag-iikot?" Reklamo ni Kensie.
Inirapan lang ni Milo si Kensie bilang sagot. Pinuntahan namin ang pinakamalapit na booth na sinabi ni Sean. Pero dahil silang dalawa lang ni Page ang interesado, ini-scan lang namin ang mga naka-exhibit ng mga two seconds lang bawat item hanggang sa lumabas kami.
You know, boring stuff.
Pagkatapos pumunta kami sa iba't ibang booths na nasa food court para tingnan kung anu-ano ang masarap kainin mamaya. Nagpunta kami sa may arcade at naglaro ng konti. Nagbasketball kami ni Milo pero kahit na I'm not in to ball games, I had fun. Although natalo pa rin ako ni Milo.
Nagkaroon la kami ng pustahan sa air hockey game kung saan kaming mga girls vs boys, kung sino unang makakuha ng two wins ang panalo at yung team na talo ay may pitik sa noo.
Unfortunately sa aming mga babae, ako lang ang nanalo. Kaya kami natalo at ang may pitik sa noo.
"Para fair si Sean ang pipitik sa noo ni Bullet, si Theo kay Page, at ako naman kay Kensie." Suggestion ni Milo. We nodded in agreement since may point siya.
Ako ang naunang tumanggap ng punishment. Pero dahil matigas ang ulo ko, figuratively and literally speaking, si Sean ang nasaktan. I felt the pain though, but weaker than I expected and not enough for me to complain.
"Ahh!! Ahooo~! Kkkughhh!!!" Sigaw ni Sean habang hawak ang kamay niya at napapapikit pa, aakalain mong nabalian ng buto.
"Ano ba yan pare, so uncool!" Sagot ni Milo.
"Parang bakla. Hahahaha!" Malakas na tawa ni Theo. His laugh is very unlike him, high pitched ang tawa niya.
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
Teen FictionAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...