CHAPTER 24

1.4K 74 6
                                    


#SinfulLove

CHAPTER 24

Matinding panlulumo ngayon ang nakikita sa kabuuan ng mukha ni Henz sa sinapit ng kanyang restaurant kung saan nakatingin siya ngayon roon. Wasak na wasak ito dahil sa matinding pagsabog. Kulang na lang ay pati ang mga pundasyon at pader nito at matumba na dahil sa pagsabog na nangyari.

"Henz..."

Napatingin si Henz kay Theresa. Nakikita niya sa mukha nito ang panlulumo rin.

"Mabuti na lang at hindi pa bukas ang restaurant kaya walang nasaktan na isa man sa mga empleyado or customer natin." Sabi ni Henz.

Napabuntong-hininga si Theresa.

"Sa tingin mo ba... may kinalaman ito sa ginagawa natin? Ito na ba ang umpisa ng banta nila?" tanong ni Theresa.

Napaiwas nang tingin si Henz. Muling tumingin sa kayang wasak na wasak ng restaurant.

"Oo... matindi ang kinalaman ng ginagawa nating imbestigasyon sa nangyaring ito... Matindi na ang nagiging galit nila sa atin." Sabi ni Henz.

Humawak si Theresa sa kanang braso ng asawa.

"Henz... Alam mong matapang ako... Pero sa pagkakataong ito... Hindi ko maiwasang hindi kabahan at matakot sa mga maaaring sumunod pang mangyari." Sabi ni Theresa.

Muling napatingin si Henz sa asawa. Napabuntong-hininga ito.

"Normal lang na kabahan at matakot... Pero huwag mo itong pangibabawan sa pagkatao mo. Huwag kang mag-alala, akong bahala... Walang mangyayari sayo o sa akin. Kung kaya nilang labanan tayo... pwes, kaya rin natin sila. Oras na malaman ko na talaga kung sino ang mga nasa likod ng lahat ng ito... sisiguraduhin kong pagbabayarin ko sila. Sa pagwasak nila sa pamilya ko at sa pagwasak nila ng negosyo ko." sabi ni Henz.

Napatango na lamang si Theresa.

Pamaya-maya ay may lumapit na dalawang pulis sa mag-asawa.

"Ma'am... Sir... Maaari ho ba namin kayong makausap?" tanong ng isa sa dalawang pulis. Kabilang ang mga ito ngayon sa sumisiyasat sa nangyaring pagsabog.

Napatango na lamang ang dalawa at iyon nga, nagsimula nang magsalita ang isa sa mga pulis.

Sinabi nito ang uri ng bomba na ginamit sa pagpapasabog. Nagsabi rin ito ng maaaring mga motibo sa nangyari at iniugnay rin nila ang pangyayaring ito sa nangyari sa mga patayang naganap na ikinasawi ng mga magulang niya at ng iba pa nitong mga nakalipas na buwan.

"Patuloy pa rin kami sa pag-iimbestiga kaya asahan ninyo na kapag may nakuha na kaming mas matibay na impormasyon... kaagad namin itong ipagbibigay alam sa inyo." panghuling sabi ng pulis.

Napatango na lamang sila Henz at Theresa.

"Henz..."

Napatingin naman si Henz kay Alex na kakalapit lamang sa kanila ngayon. Kasama ito ng una na pumunta rito sa pinangyarihan ng pambobomba.

"Bakit?" tanong nito.

Napabuntong-hininga si Alex.

"Kailangan ko munang umuwi... Tumawag kasi ang yaya ni Theo at sinasabing hinahanap na ako ng anak ko." sabi nito.

Napatango si Henz.

"Sige... umuwi ka na muna." Sabi nito. Napatango naman si Alex. "Oo nga pala... Sana wala munang makaalam na iba ng mga nalaman natin hangga't hindi pa natin napapatunayan kung totoo nga ang lahat." Sabi pa nito.

SINFUL LOVE (ROMANCE-MELODRAMA) - COMPLETED #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon