2 - Wrong Move

11.3K 479 43
                                    

Jade

Maghapon akong hindi lumabas ng bahay. Ewan ko ba matapos ang nangyari kagabi daig ko pang misis na nahuli ng asawang nakikipag landian sa lalaki. Hindi ako guilty dahil wala naman akong ginawang masama pero ang pagiging kalma ni Althea ang nakakapag paisip sa akin. Hindi ko kailanman gagawin ang iniisip niya, pero bakit nagaalala ako lalo na at hindi siya natulog sa kwarto namin. For sure late nanaman ang dating niya. Nagdinner akong kasabay si Yaya Caring at dalawa pang kasama rin namin dito sa bahay. Nakakalungkot kumain mag isa kaya kahit nahihiya sila pinilit ko silang sumabay sa aking kumain ng lunch at dinner dahil umalis din agad si Lolo kanina after breakfast. Gusto kong magalit kay Lolo for taking advantage of Dada's situation. All Dada said was the wedding was the only payment Lolo Pablo asked. Ganon ba kalaki ang pagakakautang ni Dada? I know how Lolo Pablo helped my family start in business, how he trusted Dada so much. So much so that he made him one of the pillars of the GGC. Kaya wala din akong nagawa nang kinausap ako ni Dada tungkol sa kasalan. During dinner nakwento ni Yaya Caring na bahay daw ng mga magulang ni Althea ang tinitirahan namin ngayon pero pareho na daw nasa Canada ang parents ni Althea at matagal ng hindi umuuwi dahil na rin sa negosyo nila doon. Ayaw daw sumama ni Althea sa mga magulang kaya naiwan siya dito sa Pilipinas kasama ang kanyang lolo at pareho nilang inaasikaso ang negosyo ng matanda na ipinamana niya sa apo. Dalawang taon na daw na halos si Althea na ang mag isang nagpapatakbo ng kumpanya at hinahayaan na lang siya ni Lolo Pablo dahil tiwala naman ang lolo sa kanya. Kaya madalas ay nasa ancestral house lang daw ang matanda sa Laguna at inaasikaso ang sakahan at mga alagang hayop doon, paminsan minsan na lang lumuluwas ng Manila. Pero ngayon ay napapadalas mula ng ikasal kami ni Althea. Wala sa loob kong naitanong kung kwarto ba talaga ni Althea ang tinutulugan namin.
"Oo, anak. Kwarto ni Althea yon pero may kwarto rin siya sa attic. Pinagawa ng Lolo niya dahil nong   high school siya lalo na nong college si Althea lagi niyang gustong mapag isa at pag pinagagalitan ng mga magulang lalo na ng Daddy niya tumatakbo sa bobong nitong bahay kaya nag alala ang Lolo niya. Kaya naman minsan nagpunta ng Canada ang magulang ni Althea at nagtagal doon dahil na rin sa negosyo nila, sinamantala ng matanda na pagawa itong bahay at nilagyan ng attic para sa apo niya." Naalala kong kwento ni Yaya Caring na matagal na palang nag lilingkod sa pamilya ni Althea.

Nasa ganon akong pagmumuni muni ng maramdaman kong may dumating. It's past 11pm na, sigurado si Althea na yon sabi ko sa isip ko. Naisipan kong bumaba ng kwarto at pagbaba ko ay naabutan ko si Althea na kakapasok pa lang ng sala. Nagkatinginan lang kami at nag aalangan ako kung ngingitian siya o hindi pero napansin ko na lang ang sarili kong matipid na ngumiti at ganon din ang natanggap ko mula sa kanya, ngunit bakas ang lungkot sa mga mata niya. May nangyari kaya sa office nila?

"Andito ka na pala." she said.

"Ahm, hindi ako lumabas." matipid kong sagot.

"Bakit? Masama bang pakiramdam mo?" tanong niya muli na halatang nagbago ang mukha, hindi ko alam kung mali lang ang tingin ko but was it a look of concern I saw in her eyes?

"No, I'm alright. Gusto ko lang mag stay dito sa bahay." sagot ko at napatango lang siya. "Kumain ka na?" I asked instead to hide my awkwardness. Bakit parang nahihiya ako sa kanya. Alam ko namang kumain na sila ni Mang Julio sa office pa lang. Anong nasa utak mo Jade?

"Oo, sa office. Bakit hindi ka pa natutulog?" balik tanong niya sa akin.

"I-im about to." sagot ko na lang at patalikod na ako ng marinig ko muli siyang nagsalita.

"Ahm, Jade. Saglit." pigil niya and I saw her fished out something from her pocket at lumapit sa akin."Here." mahina niyang sabi sabay abot ng isang susi at isang maliit na calling card size na papel, more of like address card.

Life With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon