Chapter 2

199 11 2
                                    

Chapter 2: Danger

Courtney POV

Naalala niyo pa ba ako? Well isa lang naman ako sa mga kaibigan ni Victoria, ang dakilang maldita slash sossy sa amin apat. Ako nga pala si Courtney Aramina Montemayor, 18 years old ang nag iisang anak lang nang Montemayor.

We're just living in a simple home di ako katulad nina Victoria at Lizzy no ang yaman yaman. So balik tayo sa kwento, nandito kami ngayon sa mall para gumala well sila lang naman.

Hindi kasi ako masyado mahilig sa mga ganito and also Gwen, may pagka tomboy act kasi yon eh.

"Anong mas maganda itong rose gold or itong royal blue dress?" Tanong ni Victoria sa amin sabay pakita sa dalawang damit na pareho naman yung design ngunit mag ka iba nang kulay. I prefer the rose gold.

Nandito kami sa Regatta at namimili sila nang mga damit habang ako dito ay bored na bored naka tingin lang sa kanila. "Mas bagay sayo ang rose gold but I really like the royal blue" komento ni Lizzy.

"Bilhin niyo nalang kaya niyan dalawa? Nagugutom na ako" patay gutom talaga itong si Gwen.

"Fine~ I'll take the rose gold while Lizzy takes the royal blue" Hay buti nalang ay tapos na tong dalawang to, pumunta silang dalawa sa cashier upang mag bayad at pag katapos ay umalis na kami sa shop.

"So saan ba tayo kakain?" I just shrug..okay lang naman sa akin eh kung saan basta May pagkain.

"Doon nalang tayo oh sa malaking bubuyog, nung kumain kami diyan nang mga kaklase ko ay ang sarap nang mga pagkain doon at ang mura pa" sambit ni Gwen at tinuro yung foodstore na may malaking bubuyog.

Pumasok kami doon at nag presinta naman yung dalawang mayaman na sila na yung mag order samantalang kami ni Gwen ay mag hahanap nang mauupuan.

Tyonkok Academy: School of Magics and Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon