"Tulong... Tulungan mo ko... Tulong...""No.. No.. Lumayo ka sakin! Lumayo ka sakin!---Aaahhh!!!"
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at naupo sa aking kama habang tumutulo ang mga luha sa aking mata.
Napanaginipan ko na naman ang babaeng nanghihingi ng tulong... Napanaginipan ko na naman siya...
"Humingi na ako ng tawad ah?! Ano pa bang gusto mo?! Please! Tigilan mo na ko!" Paghuhumiyaw ko habang nakasubsob sa aking tuhod
"Mam? Mam Trixie ayos lang po ba kayo?" Rinig kong katok ni Yaya Melds sa labas ng aking silid
Pinunasan ko muna ang aking luha bago sumagot.
"Opo.. Opo, ok lang ako ya. Salamat" sabi ko at tumayo na
"Amh.. Tawag po kayo ni Sir sabay na raw po kayong magalmusal" sabi pa nito
"S-sige, pakisabi pababa na" sabi ko at pumuntang banyo para magayos
Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin ay bumaba na ako.
"Good morning dad" bati ko at humalik sa pisngi nito
Tumango lamang ito at nagpatuloy sa pagkain ng kanyang almusal.
"D-dad.." Tawag ko dito pero hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako sa aking sasabihin
"Napanaginipan--"
"May 1 week business trip ako sa Europe, ngayon na ang alis ko. Bahala ka na sa sarili mo, malaki ka na." Sabi nito at tumayo na pero pinigilan ko siya
"Dad.. Hanggang kailan ko itatago ang katotohanang--"
"Trixie Fatima Jane" tawag nito saakin na nakapagpayuko sa aking ulo
Nagsimula na namang mamuo ang mga luha saaking mata..
"Forget about it. Its just an accident at walang may gusto sa nangyari. Just keep your mouth shut then everything will be ok" sabi niya at tuluyan ng umalis
Tuluyan namang tumulo ang mga luha saaking mga mata..
Napaka duwag ko... Sobrang duwag ko...
"Once na magsalita ka sa mga pulis, magsisimulang bumagsak ang mga kompanya natin. Mawawalan tayo. Maghihirap tayo. Aksidente yon at walang may gusto sa nangyari. Manahimik ka na lamang at magiging maayos ang lahat"
Naalala ko na naman ang sinabi ni dad noong sabihin kong may nabundol akong babae malapit sa isang university.
Noong una'y hindi ko na lamang pinansin ang nangyari dahil yun ang sabi ni dad pero simula ng magpakita at magparamdam sakin ang babae na sa tingin ko ay isang estudyante doon sa university ay hindi ko maiwasang maguilty.
Oo takot ako kay dad, sobra akong takot sakanya na hindi ko magawang magsumbong sa mga pulis.
Meron pa ngang isang beses na napabuhatan nya ako ng kamay dahil nalaman niyang balak kong magsumbong sa mga pulis.
Isang business man si dad na may iniingatang pangalan. Kilala siya ng marami kaya ayaw niyang magsumbong ako sa pulis dahil maaaring masira ang imaheng iniingat-ingatan nya ng matagal na panahon.