Eireen Pov..Hindi ako makapaniwala.. Nakabalik na pala siya? Kailan pa?
Nang mapansin kong titingin siya sa may gawi ko ay agad ko binura sa mukha ko ang pagkagulat at tinuon ang lahat ng atensyon sa babaeng kasama niya.. Grabe nabibingi ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Kahit hindi ako nakatingin,alam ko nagulat din siya ng makita ako pero ng pretend lang ako ng hindi ko siya nakita o wala akong pakialam sakanya. Kahit ilang taon na ang lumipas hindi ko parin maiwasan makaramdam ng galit sa kanya.
Kapal ng mukha niya magpakita ngayon at dito pa talaga?
"Uhmm, Miss.. Meron ba kayo dito anykind of cake?"
Halos nataranta ako ng marinig ko magsalita ang babaeng kasama niya. Tsk. Ba't ngayon niya naisipan mag-salita?
"W-we have Ma'am. What do you want Ma'am?"tanong ko. Napaisip naman yung kasama niyang babae. Seriously? Ngayon niya palang siya nag-iisip kung ano yung ba talaga ang i-order niya?!
"Ah! Banana stawberry cake meron kayo?"
"Yes Ma'am.. Anything?"
"Uhmm.. Cappucino nalang. Ikaw Michael ano sa'yo? Don't worry treat ko tutal kakarating mo lang kapahon eh.."
So? Kakarating niya lang pala kahapon..
Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa gawi niya. Nagtama ang paningin namin. Napahawak nalang ako ng maigi sa hawak kong notebook dahil naramdaman ko na naman ang mga bagay na hindi dapat maramdaman.
"Jane..."
Napasinghap ako ng ibulong niya ang second name ko pero hindi pinahalata sakanya.
"Huy... Michael? Why are you acting like that? May problema ba?"
"Huh?"
Mukhang nagulat naman siya ng sitahin siya ng kasama niya kaya naputol ang pagtitigan namin dalawa. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Tsk. Kanina pa kita tinatanong kung ano gusto mo.."
"Ah..eh.. Kung ano sa'yo yung na din ang akin..."sambit niya. Napairap nalang ako. Akala mo kung sino!?
"Give me a minute Ma'am. Papa-reserve ko nalang po sa'yo mamaya.."
"Okey..."
Napatungo nalang ako at tumalikod na sa kanila ng hindi siya tinitignan. Habang papaalis na ako sa pwesto nila. Napatigil ako ng tawagin niya ako.
"Jane...."
Pumikit ako ng mariin. Ano pa ba kailangan niya?
Minulat ko ang mata ko tsaka huminga ng malalim bago ako humarap sakanya.
Humarap ako sakanya ng may ngiti para maipakita ko na hindi na aapektuhan sa muli namin pagkakita at upang mapa-isip niya na wala lang siya sa'kin..
"Any problem SIR?"sambit ko. Diniinan ko ang salitang SIR upang makaramdam naman siya ng hiya. Tsk. Nakakainis. Umagang-umaga masisira agad ang araw ko.
"Uhmm... Nothing.."
Tumungo nalang ulit ako at nginitian ulit siya bago ko siya talikuran..
Pagkabalik ko sa counter agad ako sinalubong ni Bea..
"Problema mo?"bungad niya sa'kin. Umiling lang ako sa kanya tsala inabot sa kanya yung notebook kung saan nakalagay ang order nila.
BINABASA MO ANG
Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl
Fiksi RemajaMay kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano kaya nila ipagpapatuloy ang love story nila kung patuloy parin magagalit si Eireen kay Mj? Let's see...