Xcy POV
"Now...Xcyclopz Xavier Padilla...Care to explain your situation?" Kasalukuyan akong kumakain kasama si Tita Kathy or Ate Kathy."Look, hindi ko rin alam ate, I never reconsidered Lexie's feeling. Pero...ako parang feel ko unti unti na akong nahuhulog sa kanya. And If kung malaman nya yon, baka iwasan nya ako...It'll make my heart bre---" Bago pa man matapos ang sasabihin ko ay tinikom ni ate ang bibig ko.
"Mahal ka ba?" Mabilisang Tanong nya. "Hindi Pero--" She cut me off again. "Mahal mo Ba?" Mabilisang tanong ulit nya. "Oo Pero may side na--" Hindi na naman ako pinatapos ni Ate.
"Oh! Ayon naman pala eh! Hindi ka nya Mahal pero malay natin mahulog damdamin niya sayo blah blah blah, Mahal mo ba? Oo Mahal mo na Ata.....Pero Lil bro...Hindi mo na ba Mahal si Jamilah?" Natigilan ako sa tanong ni Ate Kathy.
Nitong mga nakaraang araw, kalimitan kong iniiwasan si Jamilah. Aaminin ko, may konting pagmamahal pa akong nararamdaman sa kanya.
"HINDI." Agad naman akong binatukan ni Ate Kathy. "Sinungaling na kapalastanganan! Namumula Ilong mo kapag nagsisinungaling ka. Mahirap pigilan yang damdamin Xcy..." Nangalumbaba siya sa harap ko at tinignan ako ng seryoso.
Hawak hawak ko naman ang batok ko at hinihimas ito. "Difference of Fake and Real Love...Fake Love...Yan ang status nyo ngayon. Pero dati...Kay Jamilah, real Love yun bro. Can't you see. Pinapahirapan nyo lang ang sarili nyo ni Lexie." I ruffled my hair in frustration.
"Hindi mo alam, baka isang araw....Kung Kelan nahulog na ang damdamin ni Lexi sayo...Doon na mas bumalik at mas nangibabaw ang damdamin mo para kay Jamilah." Natigilan ako sa sinabi ni Ate Kathy.
"So...sinasabi mo na pa-fall ako?" Nagkibit balikat nalang siya at kumain ng Curry. "Sa tingin mo, hanggang kelan nyo dapat ipagpatuloy yang ginagawa nyo na yan ha?" Nagkinit balikat nalang den ako.
"Naghihiganti siya kay Brandon, dahil niloko siya nito." Natigilan naman si Ate Kathy at ngumiwi. "So Rebound ka lang niya, ganun?" Napasinghap ako.
Ano bang sasabihin ko? Rebound niya lang ako? O Mahal niya talaga ako? Ang hirap naman netoh!
"E-Ewan ko, Basta....M-Mahal ko na ata siya." Agad namang umiling ai Ate Kathy.
"Xcy, alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang paborito ko diba? So...ayokong nakikita kang nahihirapan. You don't deserve her love." Tumagos sa puso ko ang sinabi ni Ate Kathy.
"Hindi mo naman kailangan maging harsh sa akin Ate." Bitter kong sinabi at ngumiwi. Pinipigilan na huwag maluha.
Ngayon nalang ulit ako umiyak dahil sa isang babae. "Hindi ako harsh, ang sa akin lang kasi Xcy, hindi mo pa naman alam kung mahal nyo ba talaga ang isa't-isa."
Tama si Ate Kathy, hindi ko pa alam kung parehas kami ng nararamdaman ni Lexie...
"Mag-usap kayo about that. Kung mahal nyo talaga ang isa't-isa, hindi ako tutol sa inyo. Just...clear things out Xcy...Ayokong magaya ka sa nangyari sa akin Noon." Napalingon ako sa kanya.
"H-Ha? Magaya? Anong nangyari?" Pero imbis na sumagot si Ate Kathy ay umiling ito at tumayo na. "Aalis na ako, sabi nga pala ni Tita, umuwi ka raw sa bahay, isama mo si Lexie Magfa-Family Dinner daw kayo sa sabado." Tuluyan nang lumabas ng condo ko si Ate.
Kasabay non ang pagpatak ng bahagya ng luha ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ngayon ng lakas ng loob para itanong kay Lexie yon.
Mahal ko na siya eh, Mahal ko na, pero sinasabi ng puso ko na Mahalaga pa rin sa akin si Jamilah. Ayokong manakit ng damdamin, saka ko na iisipin ito.
Lexie POV
Nakatingin ako sa cellphone ko, hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan or i-text si Xcy."Oh, di ka mapakali dyan?" Nagulat ako ng Biglang dumating si Kuya Carl, Pinsan ko siya.
BINABASA MO ANG
Campus NERD Turns Into A Campus HEARTHROB (KATHNIEL FANFIC)
FanfictionPaano kung...ang isang Campus Nerd na Lalaki ay biglang naging isang campus hearthrob? Isang nerdy boy na naging hearthrob para lang sa mahal nya. Anything he'll do to win the girl's heart...but...can he succeed? Si Girl..Allia Jamilah Bernardo, sik...