Chapter 2

75K 1.3K 10
                                    

(Towerville,Enrieka's condo)





"Darling? Gising ka na ba?"
mahinang tawag ni aunt Millie sa akin sa labas nang kwarto ko.

"Yes auntie bakit po?"aniya dito

"Hija.. I just want to ask if you want anything? Maggo-grocery ako ngayon may ipapabili ka ba?" tanong pa nito sa kanya. Medyo may kalakasan ang boses kaya naririnig niya ito.

"Wala naman po auntie." Matipid niyang sabi dito.


Pumasok na ito sa kwarto niya at dahan-dahang tumabi nang upo sa kanya sa kama niya. Marahang hinaplos nito ang may katasang buhok niya. Alam niyang tinititigan siya nito. Hindi man siya nakakakita ay nararamdaman niya ang pagtitig nito. Ganyan siguro talaga ang mga bulag hindi man nakakakita ay malakas naman ang pakiramdam. At sa kaso niya ay nasasanay na rin siya. It's been five years mula nang mabulag siya.

"Okay ka lang ba hija, may iniisip ka ba?" tanong nito kapagkuwan. "Lumabas ka naman nang kwarto mo..palagi ka na lang nagkukulong dito sa loob." panghihikayat pa nito sa kanya.

"Wala nman po akong iniisip auntie at okay lang naman po ako dito ,nakakaabala lang ho ako sa labas." aniya dito.

"Ano ka ba hija.. Hindi ka naman nakakaabala eh.. Gusto ko nga sana magkuwentohan tayo. Ang tahimik dito sa condo mo eh ." pumalatak pa ito.

"OKay auntie. Lalabas-labas po ako para di ka na din ma bored." aniya dito. "Pwede mo naman ako iwan dito auntie eh. Alam ko namimis mo na sa beach house. Papuntahin mo nalang si yaya Delia dito para may kasama ako." tukoy niya sa yaya niya na naiwan sa beach house nito.

Ipinasama sa kanya nuon si yaya Delia  nang mommy niya nang magpasya siyang manirahan sa beach house nang auntie niya. Pero nang bumalik siyang manirahan sa condo niya dito sa maynila ay nagpresinta ang Auntie Millie niya sumama at siyang gustong mag-alaga sa kanya. Kaya naiwan ang matanda sa beach house.

"Hija alam mo naman na ako ang may gusto na sumama sa iyo. Gusto ko ako ang nag-aalaga sa iyo. Para na kitang anak at masaya ako sa pag-aalaga ko sa
iyo." madamdaming sabi nito sa kanya.

Ramdam na ramdam niya ang pagmamalasakit nang nakababatang kapatid nang mommy niya. Mas malapit pa ito sa kanya kaysa sa mismong ina niya.

" I know auntie. And thank you for always being there for me." aniya sa malambot na tinig.

Mahal din niya ito at itinuring na parang ina niya. Ayaw niyang magdamdam ito sa kanya.

Hinawakan siya nito sa kamay at pinisilpisil iyon na ginantihan naman niya nang pagpisil sa kamay nito.

"Hija, napag isipan mo na ba ang alok ko na magpa check up ulit?
Diba alam mo naman na gagaling ka pa?" Palagi siyang kinukumbinsi nito na magpatingin ulit.

 Sabi nang doctor niya dati ay makakakita siya muli kung may eye donor siya. Iyon na lang ang last option nila dahil malaki ang pinsala na natamo niya sa aksidenteng kinasangkutan niya. 

Pero hindi naman ganun kadali makahanap nang eye donor. Kailangang sa deceased na pasyente galing ang cornea at pirmado nang pamilya nito para e donate. Sa ibang bansa siguro maraming harvest na cornea pero wala masyado dito sa Pilipinas. Malaking halaga ang kailangan para sa mga ganoong operasyon. Ilang taon na silang naghihintay hanggang sa nawalan na lang siya nang pag-asa. Masakit umasa sa wala. Tanggap na niya ang pagiging bulag at nakasanayan na rin naman niya.

"What's the use auntie,? Ilang taon na din tayong naghihintay pero wala pa ring eye donor. Di na ako umasa na makakakita ako ulit." aniya sa walang emosyong tinig.

Lover in the Dark (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon