Ivan's POV
Anong ginagawa niya dito? Bakit sya nandito?
"Hey Gabriel!"
"A-ate?" Ang ate ko. Nandito?
"Ay hindi ako to, picture ko lang tss." Isa pa tong masungit eh.
"Anong ginagawa mo dito?" Sobrang nagulat talaga ako na nandito sya. Nasa ibang bansa kasi ito noong mga nakaraang buwan. Umalis nang hindi ko alam.
"Masama na bang dumalaw sa school na pamamahalaan ko?" Oo, tama siya. Siya ang mamahala ng school na to.
Sa madaling sabi, pagaari namin ang school na ito. Nagaaral palang si Ate sa pamamahala ng Arcadia. Sa kanya ipinamana ni Lola ang Arcadia dahil nakita agad ni lola na may potential sya sa pamamahala ng school. Ewan ko kung pano niya nakita yun.
"Ano ba naman Gab! Hindi mo ba ako namiss?" Nagiinarte na naman sya.
"Of course ate, hindi." Namiss ko sya. Hahahahaha aasarin ko muna siya.
"WHAAAAAAT?!"
"Joke lang hahahaha" sabay hug ko sa kanya. Si Ate ang isa sa pinaka close kong babae. Hindi ako mahilig makipag close lalo na kapag babae. Ewan, minsan kasi nakakainis sila.
"Eeewwww Gab! Ang pawis mo! Shoo shoo!" Pagtabuyan ba naman ako? Ang bango ko kaya!
"Ate naman! Hindi ako aso para itaboy mo ng ganyan." Tampo kunwari.
"Maarte ka, bilisan mo na. Uuwi na tayo after mong magbihis" Ano? Uuwi kagad kami?
"HA? BAKIT!?"
"Wag mo akong sigawan pwede ba! Ate mo parin ako." Oo, takot ako dyan. Bully yan eh.
"Oo na oo na. Pero dumaan muna tayo sa school." Pumunta na ako sa shower room ng gym. Iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Jaz kapag nagkita kami.
Natatawa ako sa mukha nya nung sinabi kong nagseselos ako sa mga lalaking nginingitian niya. After kong magshower, nagbihis nako. Pinuntahan ko si Ate sa may bleachers ng gym. Sino namang katext nito?
Ang alam ko hindi mahilig magtext to. Pero hayaan na nga.
"Huy ate!"
"Ay gagong impakto! ANO BA GAB?! PWEDE BANG WAG KANG MANGGULAT?!"
"HAHAHAHAHAHAHA! Sorry na ate."
"Tss, tara na nga!" Umalis na kami ng gym Bumalik kami ng school. Well all eyes on us. Maganda naman kasi talaga yung ate ko. At naiinis ako sa mga lalaking makatitig dito!
"BAKIT KAYO NAKATITIG SA ATE KO?!" Napaiwas naman lahat yung mga tingin ng mga lalaking to. Kundi pa sisigawan.
"Bakit mo sila sinigawan? Wala naman silang ginagawa ah?!" Pagalit na sigaw nya. Nakakunot pa noo nya.
"Ayokong may tumititig sayo ng ganon!" Nawala ang sungit sa mukha nya at inasar na naman ako.
"Sus, si Baby Gab ang sweet. Hahaha!" Pinisil pa niya yung cheeks ko.
"Ate naman! Hindi na ako bata!" Nagwalk out ako. Gay. Pinuntahan ko na lang si Jaz sa room nila. Computer ata ang subject nila. Nasa computer lab kasi sila eh.
"Sir, can I excuse Jazrille Ramos?" Medyo matagal muna akong tinitigan ng prof bago sya pumayag. Kung binibilisan nalang nya kasi!
"Yes sure Mr. Ramirez." Sabi naman ng prof nya. Nagintay na lang ako sa labas ng room nila. Leche, ang tagal naman niya. Hindi naman niya kailangan pang magpaganda eh. Maganda na kasi siya. Joke!
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014