This will be the last chapter po. Tapos po epilogue then book two. :) yie!
Kate's Pov
Naging meet the parents pa ata ang nangyari nang dumating sila Mommy. Doon din sila sa resort kung saan kami nags-stay nagcheck in. 'Yun nga lang ay napalayo sila dahil hindi namin sila kasabay.
"Do you drink hard?" tanong ni Daddy kay Justine.
Bumalik na kami dito sa resort. Pero nandito kami ngayon sa kainan. May balak pa ata silang uminom.
"Sometimes po,"
Tumango si Daddy at bumaling kila Tito.
"Tristan, what's your choice?"
Tumingin si Tito sa mga alak na nakahilera.
"Vieille Bon Secours Ale?" patanong na sabi ni Tito Tristan, Daddy ni Key.
"Iyon na lang?" tanong ni Daddy kila Tito Joel.
Sumang ayon din naman sila Tito. Pati sila Kuya ay sumang ayon na kaya umorder na sila Daddy.
Nag-mocktail lang kami. Pagkakuha ng mga order ay nagsimula na silang magkwentuhan. Business and stuff.
Sila Mommy ay naglibot kasama sila Gwen. Bale kami at sila Daddy lang ang naiwan dito. Tutal nalibot na din naman namin ito hindi na kami sumama.
"So, kayo ang magbabarkada?" tanong ni Tito Eli sa SP, daddy ni Cata.
Tinignan ko ang SP. Hindi nila pwedeng sabihin ang totoo. Sa oras na sabihin nila ay lahat kami malalagot.
"Opo," sagot ni Kenji.
Dahan dahan lang sa pagbigkas please. Baka mali ang masabi.
"I see. Parang kayo ang pumalit kila Zy," sabi ni Tito Tristan.
Tinitigan ko ang SP. Oo nga. Parang sila ang pumalit. Pero hindi sila e. Hinding hindi.
"Ate!" tawag ni Xyra kay Key.
Lumingon kami sakaniya.
"Tawag kayo nila Mommy,"
Nagtayuan kami. Maboboring lang ako dito kung mananatili kami dito. Wala pa naman akong dalang libro. Tsaka, hindi kami makakasabay sa usapan nila.
Iniwan namin sila doon. Pumunta kami sa shore kung nasaan sila Mommy. Nagpipicture sila at pinapasali nila kami.
"Ang duga niyo nag island hopping na agad kayo!" sabi ni Gwen at ngumuso.
"Edi kayo na lang nila Mommy bukas,"
"Hindi kayo sasama?" tanong ni Tita Karen, Mommy ni Key.
"Hindi pa po sigurado, My."
Inisip ko ang gagawin namin bukas. Natapos na namin ang pagscuba diving, jetski, island hopping at banana boating.
"What are your plans for tomorrow?" tanong ni Tita Mina, mommy ni Hailey.
"I guess sight seeing po? Not yet sure." kibit balikat ni Margaux.
"Where? Maybe we can follow," tanong ni Mommy.
"Dauis, I guess? Doon ako may nakitang tourist spot para mag sight seeing," sagot ko sakaniya.
"Bakit hindi na lang natin hintayin sila Mommy na matapos mag island hopping? Then we'll go to Dauis." sabi ni Margaux.
"That's a good idea. Pwede pa rin namang magswimming bukas diba? I'm sure may mga beach pa doon or pools," sabi ni Tita Janeth.
"Then it's settled. Tomorrow after our island hopping we'll travel to Dauis then we'll spend the rest of the days on Loboc." pinal na sabi ni Mommy.
BINABASA MO ANG
And they meet again ❤
AcţiuneChildhood friends comes to be their best enemy. What will happen? Uunahin ba nila ang pagkakaibigan nila? O papairalin nila ang bad sides nila para lang sa kung anong meron sila? Find out. :)