chapter 8 - I'm sorry

1.5K 47 13
                                    


Hi guys,,
Sorry now lang nkapag ud....mejo busy lang...Merry Christmas sa inyo and Happy New Year....

Pls vote and post your reactions pls....follow nyo na din ako...
Muli...Manigong bagong Taon sa inyong lahat....

Love lots...

                *******☆*******

Natapos na sa pagpapakilala ang lahat ngunit si Lyka ay tila ba na estatwa na sa kinauupuan niya....habang si Nate naman ay panay ang sulyap sa kanya.marahil ay batid nito kung bakit ganon nalang ang lalim ng iniisip ni Lyka.
Hanggang sa natapos na ang kanilang klase at kanya kanya ng naglabasan ang mga estudyante...si Lyka ay nkita ni Nate na gumawi sa canteen. At di niya mapigilang isipin ang dalaga.

Nate....

Lyka....yun pala ang pangalan niya...
Hinding hindi ko siya pwedeng makalimutan...pano ko b naman makakalimutan ang babaeng isang linggo ng naninirahan sa isipan ko.
Siya nga,,siya nga yung nakilala ko sa party nung nakaraang linggo.
Hindi ko pala nakilala,,aksidente ko lang pala siyang nahawakan.
Oo yung parte ng katawan niya na nahawakan ko na tila ba magpahanggang ngayon ay pumapaso sa kanang kamay ko sa tuwing maaalala ko.
Ewan kung bakit ganon nalang ang perwisyong dulot niya mula nung gabing iyon .. Wala naman akong ibang pakay kundi tulungan yung babaeng muntik ng madapa nung gabing iyon.Yung babaeng di ko inaasahang makita nung gabing iyon.Yung babaeng di ko din inaasahang makikita ko ulit ngayon at manggugulo sa isipan kong nananahimik magmula pa noon.

Bilang isang lalaki,nakabuo ako ng isang pasya...lalapitan ko si Lyka at hihingi ako ng paumanhin sa nangyari.

Pumunta ako sa canteen kung saan alam kung nandoon si Lyka,nakakahiya man pero lalakasan ko na ang loob ko.Oo nakakahiya,,kase si Lyka maganda ..
Ako? Ako yung tipo ng lalaking hindi pansinin kagaya ng pinapantasya ng nakararami. Simple lang kase ako.Hindi ako matangkad,hindi ako maputi,hindi rin ako makinis.bagay na kinaiinisan ko kung  kaya magpahanggang ngayon,,hindi pa ako nagkalakas ng loob na manligaw sa kahit kanino mang babae. Takot kasi akong mabasted. Pero mabait naman ako.

Natigil ako sa pag iisip ng makita ko si Lyka sa bandang dulo ng canteen.nakaupo mag isa. Tamang pagkakataon para lumapit.habang wala siyang kasama.kung sino man ang hinihintay niya sana wav muna siyang dumating.

"Hi!, ah I-im Nate" nahihiyang bati ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at nagulat ng makita ako. Pero agad di g nagsalita.

"Hi! Ahhmm Lyka". sabay kuha ng kamay kung nakalahad sa kanya.

"Mind if I talk to you for a moment?." Nahihiya paring tanong ko sa kanya.

Pero siya nakangiti na sa akin kaya naman ikinatuwa ko at hindi pala siya galit sa akin.

"Ah,, si-sige." Sagot niya na tila ba may naalalang bigla.

"Nagulat ako ng makita kita kanina but on the other hand.ikinatuwa ko yun dahil magkakaroon ako ng chance na makapag apologize sa nangyari last time." Wika ko sa kanya
"I'm so sorry for that Lyka.I didn't mean to do that. I mean madilim kasi yun,and I just wanted to save you at yun lang. Wala akong ibang intensyon."

Mahabang paliwanag ko sa kanya,habang si Lyka kampante lng na nakikinig.

"It's okay Nate. Alam kung di mo sinasadya yong nangyari.kalimutan na natin yun. Nahihiya nga ako sayo kasi di manlang ako nakapagpasalamat sa ginawa mo." Sagot ni Lyka

Lyka

Kung nung una ay nahihiya ako kay Nate sa nangyari,ngayon ay hindi na. Mabuti nalang at nilapitan niya ako sa canteen kanina at nagkausap kami. Mabait siya,hindi mayabang. Kahit wala sa kanya yung mga tipo ko sa isang lalaki,may katangian parin siyang taglay na alam kung magiging dahilan upang ibigin siya ng isang babae. Yun ay ang kabaitan niyang taglay.

              ******☆*********

Hi guys...
Sorry maikli lang ang ud...
Antok na ang lola niyo....

Pls comment naman jan at vote para sipagin ako mag isip ng ud.....

Love lots....
Mwuuah

Di Kita Gusto Pero Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon