DIEZ - Stalker Alert!
Kanina pa akong pabuntong buntong hininga dito kasi naman hindi ko kaklase yung mga mokong at ibig sabihin, kung hindi ko sila kaklase ay hindi ko din kaklase si Caleb. Walang inspiration. Walang motivation. Samahan pa nitong Prof. namin na walang kasiya- siyang magturo. Jusko, hinang hina magturo. Parang buong pagkatao nya sumisigaw ng 'weak' at walang titibag sa kanya. Kahit galos lahat ng kaklase ko ay nakaubob na dahil sa antok ay patuloy padin aya sa mahina at mabagal na pagsasalita.
Hays naman oh. Kung ano ano nang kinulikot ko diyo. Ballpen, sulok ng papel, naggawa na ako ng origami etc,.
Binagsak ko ang kamay ko sa aking lamesa kaya napatingin sya sa akin at ang ibang kaklase ko. Yung iba ay nagising yung iba naman ay tulog padin.
"Excuse me but I would really want to tell you something." Sabi ko sa kanya. Nakatayo na ako at nakatuon ang kamay sa lamesa.
"What is it, Ms. Cortez?" Mabagal pading sabi nito.
"Ang dami na pong tulog kahit yoong mga parang naligo na sa enervon sa kahyperan ay tulog na din at kapag po ang isang estudyante lalo na ang mga walwal sa klase ang ibig sabihin po noon ay inaantok sila."
"So you're saying that my class is boring?" Tuluyan na syang humarap sa akin.
"Well.... Yeah?"
At ngayon ay dala ko ang aking gamit habang tinatahak ang tahimik na corridor. Yep, napalabas ang lola nyo. Atleast, I no longer have to stay on that freaking room. One more advantage, makikita ko si Caleb,my love so dearly.
May magaganap kasing Inter University Sports League next next week kasabayan ng opening ng Intrams namin. Ngayon palang ay nagppractice na sila para maka four peat, yes, magaling ang bball team namin at siguro naman ay kilala nyo na ang captain ball... *proud smile*
Nagpunta ako sa gym pero wala sila don at si Mang Johnny lang ang nadatnan ko na inaayos yung mga nagkalat na bola. Sa kabilang court may nag ppractice ng cheerdance.
"Manong, asan yung nga players. " Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
"Nako kanina pa sila umalis neng may friendly game daw ba yun? basta ganon.." Nilagay nya sa isang malaking basket ang tatlong bola nyang bitbit.
"Sino daw pong kalaban?" Pinulot ko ang isang malapit sa akin at ishinoot sa basket. Mga kupal na yun talaga, kalalaking tao hindi marunong maglinis. Kawawa tuloy si Mang Johnny.
"Andrade." Sagot ni Manong. Hindi naman kalayuan mula dito.
"Pabalik na po ba sila?" Since sabi ni Manong ay kanina pa siguro ay maya maya, nandito na din sila.
"Oo, neng." Sabi nya at tumango nalang ako kasi baka nakukulitan na sakin si Mang Johnny. Hinayaan ko na syang ipagpatuloy ang paglilinis nya at nagpunta sa canteen.
Masyado pang maaga para sa break time pero dahil nga bongga ang lola nyo ay break time na ako. May ilan din namang mga studyante na ewan ko kung anong sched.
Umorder lang ako ng pasta at sandwich at syempre yogurt. Habang kumakain ay triny kong icontact ang isa asa mga mokong at aba hindi nagsisisagutan pero buti nalang at sumagot si Troye.
Narinig ko ang mga pito at sigaw mula sa kabilang linya. Pati nadin ang mga kiskisan ng sapatos ng mga lumalaro sa sahig.
"SHOOT!!--- DAMN! THREE POINTS!!" Biglang sigaw ni Troye kaya nilayo ko yung cellphone sa tenga ko. Nakakayamot!
"Hey! Troye!" Sana ay narinig nya ako. Gusto ko man sya ulit sigawan pero nakakahiyang basta ako sisigaw dito.
Wala syang direktang sagot sa akin puro sigaw nya lang kapag nakakashoot at pagkausap nya sa ibang players na nakabangko.
BINABASA MO ANG
Agonizing reality
Teen FictionAzelea Cortez has fallen head over heels for Caleb Villafranco, who seems that he couldn't care less. But Azelea is a real fighter and she wouldn't give up anything without putting up her best fight. Though, It's long and tough, she vowed that she w...